Hi Guys ! ^_^

Thanks po sa mga nagbabasa ng story. In 3 days meron ng mahigit 90 reads. Yeah! For me thats an achievement lalo na first time kong magsulat.. THANK YOU SO MUCH !!! <3

Sana po ipagpatuloy nyo yung pagbabasa. Hihihi . :) 

--RinkaFumika

________________________

Zhianz POV:

*FLASHBACK~~~

"Ah buys, uwi na ako, magpapalit pa kasi ako ng damit" paalam ko pagtapos naming kumain.

"Ano ba 'yan!? hindi pa nga tayo nakakapamasyal dito sa mall eh!" pagmamaktol ni Eun.

"Masama kasi pakiramdam ko... *cough* ...marami pa namang next time eh kaya I promise babawi talaga ako" sorry kailangan kong magsinungaling, ang totoo niyan wala ako sa mood. Saka ayokong sabihin na dahil sa lalaking iyon. Tsk!

"Sige, pahinga ka nalang at siguruduhin mong babawi ka next time kung hindi.... magtatampo kami sayo" haay salamat. Naniwala sila. 

"Sorry talaga. Babawi talaga ako" dagdag ko pa

"Hatid na kita?" offer ni Lay

"Ah wag na, kaya ko pa naman saka gagala pa kayo diba?" 

"Ok la---" pinutol ko na sasabihin ni Lay alam ko naman kasing magpupumilit siyang ihatid ako eh. Haha

"Hindi na. Bye!" paalam ko saka mabilis na lumabas ng mall.

Umuwi na ako ng bahay para makapagpalit at magpahinga.....

*END OF FLASHBACK~~~

Isang linggo na ang nakalipas nung may nangyari sa mall. Yeah! Isang linggo and hanggang ngayon naiinis parin ako sa lalaking iyon!

Ang yabang niya kasi! Kala mo kung sinong gwapo! Gwapo nga mayabang naman at CASSANOVA pa !!! Minememorize ko daw ang gwapo niyang mukha!? Baka ibig niyang sabihin MAKAPAL at PANGIT niyang mukha! Argh! At nag-offer pa talaga siya na baka daw gusto kong maging isa sa mga girlfriendS niya!? No way! 

Dahil sa kanya hindi ako nakasama ng matagal ang mga barkada ko at hindi ako nakapagbonding kasama sila! And worst nakapagsinungaling pa ako sa kanila! Ayaw ko pa namang nagsisinungaling sa kanila. Haaay ! >.<  

At lalong hindi ako nakabawi sa kanila dahil past few days naghahanda kaming mga fourth year na nasa first section para sa pagwe-welcome sa mga freshmen na gaganapin mamayang gabi. Tsk! >.<

"Good Morning!" hindi ko pinansin at nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad

The NBSB meets the CassanovaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!