Crush ko si Professor!

96 3 3

IVY POV

Tok tok tok!!!

Ano ba?! Sino ba yang kumakatok?! Natutulog pa yung tao eh! ....Bumangon na ako at binuksan ang pinto. Nagising ako dahil sa kumakatok sa pinto. tch! Inaantok pa ako eh, tinatamad pa akong bumangon tapos may mambubulabog sa mahimbing kong pagtulog!

Bumungad sa mukha ko ang pagmumukha ng pinsan kong lalaki.

Ano na naman, huh?! Natutulog pa yung tao eh. ISTURBO!

Ah ganun, Isturbo ako. Magpupuyat ka kakanood ng anime tapos hindi ka gigising ng maaga! Aba,  anong oras na?! Malalate ka na po! tss!

Huh?! Eh bakit ngayon mo lang ako ginising?! ...nag-panic na'ko. May pasok nga pala ako. Nakalimutan ko, napasarap yung tulog ko.

Ako pa may kasalanan! FYI, KANINA KA PA GINIGISING! ...sinisigawan na niya ako. Grabe lang! Para siyang matandang dalaga eh tch!

Eh bakit di ako nagising?! Sabihin mo di mo lang talaga ako ginising!

Sus! Nanaginip ka po kasi kanina! Naku nakakatawa kaya yung mukha mo kanina whahahaha

Tinignan ko nga ng masama. Grabe kung makatawa! >_<

Bakit ano ba itsura ko kanina? tsaka ano ba napanaginipan ko kanina?!

whaha mukha kang tanga! Nakangiti habang tulog. At eto pa, sinisigaw mo pa yung pangalan nung professor mong bading! Sir Charles ba yun, yung bakla?! whahaha...grabe tuwang-tuwa siya. Nakahawak pa sa tiyan niya eh. Anong nakakatawa?! Nilait na naman niya si Sir Charles.

Anong nakakatawa?! Bahala ka nga sa buhay mo!

whaha pikon!

tse!

haha maligo ka na! Ang baho mo na!

BUTA! (BUTA MEANS PIG IN JAPAN)

Sinarhan ko na siya ng pinto. Leche! panira ng umaga eh! huhu T_T nilalait niya si Sir Charles ko. But wait, parang wala naman akong matandaan na  napanaginipan ko si Sir Charles ko. haha pero mababaliw na yata ako. Pati sa panaginip ko, sinusundan niya ako. Ang ganda ko talaga! haha dyosa!

Naligo na ako. Tss.. di man lang ako nagising! kainis!

Alis na'ko!

Umalis ka, paki ko!

ewan ko sa'yo! >_<

Umalis na'ko ng bahay. Haha makikita ko na ulit si Sir Charles ko. May ko talaga?! haha

Habang nakasakay ako sa jeep, nagde-day dreaming ako. Naalala ko si Sir Charles. Aish, bakit naman kasi ang gwapo gwapo niya?! lels! Ang ganda ng mata niya, ang tangos ng ilong, ang cute ng lips, ang kinis ng mukha niya, ang tangkad at shet, sobrang talino niya. And for the record, mukha siyang Korean. Like OMG! HE'S DAMN PERFECT!

Kaya tuwang-tuwa ako lagi pag subject niya. Minsan lang magkaroon ng professor na tulad niya noh kaya sulitin. Kaya nung time na yun, hinanap ko talaga yung fb account niya tapos in-add friend ko hehe..wag ka in-accept ako ni Sir Charles. Minsan nga china-chat ko siya. Syempre connected sa mga topics namin, pero paraan ko lang yun para maka-chat siya. At least naka-chat ko si Sir Charles! whaa..sobrang saya ko nun. Sobra akong kinikilig pag tinatawag niya ako, pag pinapansin niya ako. Heaven! lels! tama na nga tong pagi-imagine.

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Nakarating na'ko sa school.  Hinanap ko na yung mga tropa pips ko haha

One-shot storiesBasahin ang storyang ito ng LIBRE!