Stupid and Psyche

75 0 0

Prologue:

       Tampulan na ako ng tukso magsimula noong bata pa ako. Tingting ang tawag sa akin ng mga kalaro ko hanggang sa pagtapak ko sa high school. Nagbago lamang iyon noong nagbinata na ako dahil torpe na ang tawag sa akin ng mga kabarkada ko. Buti na lang at hindi ako pikunin kasi kung hindi ay napaaway na ako.

       Matanong ko lang, saan ba nagmula ang salitang torpe?

       Ako si Janno Mariano, no girlfriend since birth but to clear things out I’m a straight guy. It’s just that torpe lang talaga ako at mahinang dumiskarte. Isa akong mag-aaral ng Juan de Dios University, ang itinuturing na Harvard sa Pilipinas. Hindi naman sa pagmamayabang pero sadyang may kaya ang mga estudyante rito. Walumpung porsyento ay mga alta sa siyudad; mga anak ng pulitiko, businessman, ang iba pa nga yata ay drug at jue teng lords, at pati anak ng mga sultan ay kabilang na rin. Sampung porsyento ay galing sa varsity, limang porsyentong working student at ang natitira ay mga academic scholar. Isa ako sa mga academic scholar dahil may-ari ng dorm ang tiyahin ko kaya nabigyan ako ng scholarship. Iyon nga lang ay wala akong ibang choice kundi maging journalism student. Dahil sa kilala na ng school admin ang tiyahin ko kaya napagbigyan ito sa kaniyang hiling. Matagal na kasing pinapatakbo ng tiyahin ko ang dorm ng JDU at kapag may importanteng okasyon ay siya na rin ang nagca-cater.

       Sa totoo lang ay wala akong ganang mag-aral dahil ang gusto ko ay culinary pero syempre ay wala akong pera. Idagdag pa riyan ang pagkakakulong ng nanay ko dahil napatay niya ang tatay ko kaya si Tita Magda na lamang ang nakakasama ko. Actually, galing pa ako sa Bicol, doon sa pinsan nila mama. Kinuha lamang ako ni Tita Magda para makatulong ako sa karinderya at catering niya. Pero kung iisipin kong mabuti ay dapat pa akong magpasalamat dahil kung hindi ako nabigyan ng scholarship ay wala akong matatawag na barkada at love life.

       Una akong dumating sa dorm. Ilang linggo rin akong mag-isang nanirahan doon dahil hindi pa dumadating ang iba pang mga estudyante na malamang ay nasa bakasyon pa. Kahit pa mahiyain ako at sanay mag-isa ay mahirap pa din na nag-iisa kang nakatingin sa apat na sulok ng kwarto. Ewan ko ba kung bakit sobrang hina ng kumpyansa ko, kahit paglabas ay hirap akong gawin. Kapag may customers si Tita Magda ay nagkukulong ako sa kusina at naghuhugas na lamang ng mga pinggan.

       Makalipas ang ikatlong linggo ko sa dormitoryo ay nagsisimula nang dumating ang ibang estudyante. Nakahiwalay ang building ng mga babae at lalakeng boarders. Sa unang palapag ay ang mga first at second year college. Ang mga third at fourth naman ang nasa ikalawang palapag. Kasama ng fifth year ang foreign students sa ikatlo at ang mga varsity ay nasa ikaapat at huling palapag.

       Habang nakatunganga ako ay siya namang pagdating ng una kong makakasama sa dorm for four or five years. Siya si Yuan Franco Tehankee, ang nag-iisang anak na lalake ni Manuel Tehankee. Sila lang naman ang nagmamay-ari ng pinakamalaking conglomerate sa Pilipinas at ika-89 sa listahan ng pinakamayamang pamilya sa buong mundo. May-ari sila ng pagawaan ng mga gadgets, oil company, consulting at construction firm, hacienda, at real estate. Ang kanilang kumpanya ay highly involved sa foreign countries. Nabalitaan kong si Yuan ay next in line kay Manuel dahil sa lalake ito at isa sa developers ng kanilang technology.

       "Siya nga pala," naririnig ko ang paparating na boses ni Tita Magda kaya napatayo ako, "may tatlo ka pang makakasama sa kwarto. Ilalagay na lang kita do'n sa kwarto ng pamangkin ko para may kasama ka na agad. Wala pa kasing mga boarders dito sa first floor kaya iyong pamangkin ko pa lang at mga varsity sa fourth floor."

       Maya maya pa ay kumatok na ito at agad ko namang pinagbuksan ng pintuan.

       "Yuan siya iyong pamangkin ko. Hoy Janno," ibinaling nito ang kaniyang atensyon sa akin, "tulungan mo nga itong si Yuan. Ang dami niyang gamit sa sasakyan."

Ang Dormitoryo ni Aling MagdaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!