Chapter 18: The Twist.

Kaye’s POV

 

Gising na gising na ang diwa ko pero hindi ko pa din magawang bumangon. Ang sakit ng ulo ko. Malamang hindi ako nakatulog kagabi sa kakaisip kungbakit ginawa sa akin ‘yun ni Sehun. Halos ‘di na nga ako natulog eh. Kahit hindi ko natapos ‘yung party, puyat na puyat pa din ako.

Napahawak ako sa lips ko.

That’s my effin’ first kiss. Ganon ka-wild. Ganon ka sakit. My first kiss should be romantic. Pero anong ginawa niya?! Nakakainis!

Bumangon ako at dumiretso sa CR. Nagshower na ako at nagtoothbrush. Aray! Ang sakit!

Tiningnan ko sa salamin kung bakit may masakit sa labi ko..

“That bastard!” Galit na bulong ko.

Eh paano ba naman kasi, may sugat ‘yung labi ko. Nagdugo nga pala ‘to kagabi. Arg! Ano ba kasing problema ‘nung lalaking ‘yun?! Hindi ko siya maintindihan! Ang hirap niyang basahin. Ganon ba siya humalik?! Kailangang manakit? O sa’kin lang dahil wala siyang pakialam kung masaktan man ako? Siguro nga wala lang siyang magawa kagabi kaya niya ginawa ‘yun.

Nag-ayos na ako ng sarili ko. Tanghali na din naman kaya babangon na ‘ko.

“Goodmorning Kaye!” Bati sa akin ni Ate Xy.

“Goodmorning din.” Nakangiti ko ding bati.

“Goodmorning eyebags!” Biglang lumabas si Kuya galing sa kusina. Aga-agang mambwisit. -_-

“Eyebags ka dyan! Wala kaya!”

“Nyenye blabla! Kumain ka na. Alam ko naming gutom ka lang kaya ka bumangon.”

Edi siya na ang kabisado ako. -_-

**

“Kuya, pwedeng ihatid mo ‘ko sa mall? Nakakatamad eh.” Tanong ko kay Kuya.

“Sinong kasama mo?” Tanong din niya. Ang tanong ay nasagot ng tanong. Kamusta naman ‘yun? -_-

“Nasaan ba si Ate?” Ayan, puro tanong. XD

“Wala. Umalis kanina. Ewan ko kung saan nagpunta.”

“Ay. Alone ako. Hayaan mo na.” Nagpout pa ako. Bagay ko kaya? :3 HAHA!

“Sige. Ngayon na ba?” Tanong niya. Nanonood pa kami sa sala.

“Maya-maya. Tinatamad pa akong gumayak.” Nakatutok pa din ako sa TV.

“Eh ayos ka din eh. Kung makapagpahatid ka dyan, ‘di ka pa pala nakagayak.” Inirapan ko na lang siya.

“Sige na, gagayak na.”

Tumayo na ako at nagmamartsang umakyat sa kwarto para gumayak. Narinig ko naman ang pagsindi ng engine ng kotse sa baba. Si Kuya ba ‘yun?! Excited siya ah!

Dali-dali kong hinanap ang sapatos ko. Nasaan na ba ‘yun? Tsk!

Nang mahanap ko na ito ay lumabas na ako ng kwarto ko na may suklay sa ulo, may kagat-kagat na cellphone, may gulo-gulong pulbos sa mukha habang naglolotion sa kamay. Leche! Ang rush tuloy. Bakit ba ako nagmamadali?!

“Oh anak? Saan ang lakad?” Tanong ni Daddy.

“Sa mall po.”

*BEEP BEEP*

“Wait lang!” Aish! Impatient ‘tong si Kuya eh.

Nagtoothbrush na ako.

“Anak, ano palang apilyedo ni Sehun?” Biglang tanong ni Mommy.

When I Met Him (EXO's Sehun FanFic)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!