For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

2

46 4 0

Kinabukasan ay maaga akong pumasok para mag handa sa activity namin.

"Naks ang aga natin ngayon aa. anong nakain mo ?" sabi ko kay Kent

"Hay nako kinakabahan kasi ako sa activity natin ngayon ee. Akalain mo ilang topic itong kailangang basahin natin ." sabi niya habang nag babasa ng libro.

Ilang minuto din ang lumipas at dumami na ang tao sa room namin.

"Okay class malapit na tayong mag start mga 15 mins nalang,mag ready na kayo." sabi samin ng professor namin.

"Hala wala pa si Alden!" sabi sa amin ni Kent.

"Sige tatawagan ko nalang siya." sabi ko naman sa kanila

Naka 4 na subok ako para tawagan si Alden pero kahit isa ay wala siyang sinagot.

Kaya di na ko nag pa ligoy ligoy pa tumakbo na ko paalis ng room namin para sunduin siya sa apartment niya. Di naman siguro kami mag tatagal at aabot naman siguro kami.

Apartment

Alden's POV

"Alden! Aallddennn ! Buksan mo tong pinto!"

Sino ba to ang aga aga sigaw ng sigaw

"Oo teka andyan na" tinatamad pa sana akong tumayo pero sigurado akong hindi titigil to sa pag katok

" Hoy! sira ulo kaba talaga ? Anu bang tumatakbo sa utak mo ha ?" bungad sakin ni Tanya

Anu bang pinag sasabi neto ?

"Teka nga, bakit nagagalit ka sakin ?" Anu bang nangyayari dito ee mag kausap lang kami kagabi.

" Sira ulo kaba? Ngayon na ung activity natin!" sabi niya sakin na sinabayan pa niya ng pag batok sa akin.

Activity? Sus activity lang pala

Oh syete oo nga pala !!

"Ay Oo ! wait maliligo lang ako, 5 mins."

At nag tatakbo na ko papuntang banyo.

...

Tanya's POV

"Oo papunta na kami jan wait lang. Sabihin niyo pag hinanap kami nag punta lang sa canteen, ok sige bye" binaba ko na ang phone ko.

Kanina pa kasi tumatawag sina Sara. Malapit na daw mag simula ang grand recitation. Kailangan naming ma explain ang topic na itatanong sa amin ng aming professor.

" Ok ready na ko, sorry pala Tanya" pag iinarte ni Alden

" Ok na un tara bilisan natin at sigurado akong malapit na malapit na ung mag simula.

...

Pag dating namin sa room ay nag sisimula na ang activity.

Buti naman ay naging maganda ang naging sagot namin.

usedBasahin ang storyang ito ng LIBRE!