1

115 4 0

Ako nga pala si Tanya Perlado isang simpleng estudyante sa isang university at siyempre meron akong mga kaibigan sina Tessa, Sara, Kent at si Alden. Sila ung madalas kong kasama.

"Tanya, tara kain na tayo. Hinihintay na tayo nina Sara" pag aaya sa akin ni Tessa

"Sige susunod na ko sa inyo, itetext ko lang si Alden" sabi ko naman sa kanya

Inilabas ko ang phone ko

"Alden, tapos naba practice niyo ? kakain na kasi kami, sasabay kba ?" sabi ko sa kanya

"Naku Tanya, di ako sasabay ngaun. aa anu kasi si Kim kasi susunduin ko sa school nila"

"aa ganun ba, sige mag ingat ka aa :)"

...

Pag dating ko sa canteen nakita ko sina Tessa na kumakain na kaya agad na akong nag order para sa sarili ko at tumabi na sa kanila

"Tanya nasaan si Alden ? Hindi ba siya sasabay kumain? Kanina pa tapos ung practice namin aa!" sabi sakin ni Kent.

"Sabi niya sakin susunduin daw niya si Kim." sabi ko sa kanya at nag simula na din akong kumain

"Aba tignan mo nga naman si Alden, napaka sweet kay Kim. Hindi man lang makatiis, kahapon diba nag kita din sila?" sabi ni Sara na parang kinikilg pa.

"Porket palaging sinusundo sweet agad hindi ba pwedeng service muna?" sabat naman ni Tessa sabay tawa.

"Ay te, may pinag dadaanan kba ? bakit ang bitter mo? Hayaan na natin sila, ang mabuti pa ay bilisan na nating kumain at pupunta pa ko ng library." sabi ko naman sa kanila.

Nang matapos na kaming kumain ay sinamahan nila ako sa library para humiram ng libro na gagamitin namin bukas.

"Ang sungit talaga nung librarian natin noh?" pag rereklamo ni Kent

"Masungit ka jan, ang sabihin mo madaldal ka lang talaga kaya palagi kang sinasaway" sabi ni Tessa sa kanya.

"Oo nga naman, ikaw kasi napaka lakas ng boses mo hahaha" sabi ko naman sa kanila

"Ay ewan ko sa inyo, tara uwi na tayo" sabi ni Kent

Habang nag lalakad kami pauwi ay bigla namang nag text sakin si Alden

"saan ka ? Pede daan ka muna dito sa apartment ? Kailangan ko ng kausap pls:("

ano kayang nang yari sa kanya

"sige wait mo ko, 5 minutes andyan na ko"

nag sabi na agad ako kina Kent na mauna na sila sakin umuwi at may dadaanan pa ko.

...

Pag dating ko doon ay kumatok agad ako sa pinto.

"Bukas yan,pasok ka " sigaw ni Alden mula sa loob.

Pag bukas ko ng pinto ay nakita ko ba agad si Alden.

"Bakit ? Anong nangyari sayo ?" tanong ko sa kanya. Tumabi na din ako sa kanya.

" Nag away nanaman kami ni Kim . Hindi ko maintindihan kung bakit ganun, bakit palagi nalang ang lamig lamig niya sakin. Palagi nalang niyang sinasabi na nakakasawa daw ako. Palagi nalang siyang nagagalit sa maliit na bagay" sabi niya sa akin

Habang nakatingin ako sa kanya alam ko na malapit nang pumatak ang luha niya. Alam ko na pilit niyang pinipigilan pero hindi niya maitatago sa mga mata niya ung sakit na nararamdaman niya.

Imbis na mag salita ako ay hinaplos ko nalang ang likod niya para kahit papano ay mabawasan ang sakit na nararamdaman niya.

Bago pa man ako mag salita ay nag simula na ulit siya

"Ni hindi ko nga alam kung gumagawa lang siya ng lusot para lang mag hiwalay kami. Ung tipong palalabasin niya na may mali ako para iwan niya ako at humanap siya ng bago." Habang sinasabi niya ang mga salitang yun ay sumabay na din ang luha sa mga mata niya.

" Sa tingin mo anong mas kaya mo, bibitaw ka o lalaban kpa ? Kasi kung nahihirapang ka pwede mo namang bitawan na pero kung mas mahihirapan ka na wala siya lumaban ka pa . Pero palagi mong tandaan na kung hindi na niya gusto pang lumaban mas maganda kung sumuko ka na din."

" Sa totoo lang hindi ko din talaga alam. Ang hirap din kasi na lagi nalang siyang galit pero wala naman akong ginagawang kasalanan."

Sabi niya sa akin.

Ilang oras din kaming nag usap ni Alden noong araw na to. Nag paalam na din ako sa kanya dahil di din ako pwede masyadong gabihin.

"Paano ba yan Alden kahit ayokong iwan ka kailangan ko na talagang umuwi" pag papaalam ko sa kanya

"Sige mag iingat ka, salamat ULIT. Sana di ka pa nag sasawa sa paulit ulit na problema ko haha."

At hinatid na niya ako palabas ng kanyang apartment.

usedBasahin ang storyang ito ng LIBRE!