Chapter 5

7 0 0

“Ah.. I see.. Pinsan ba kita or friend? Sorry, naaksidente kasi ako at nag kaamnesia kaya hindi kita maalala..”

Once again, mas masakit pala yung araw araw at oras oras mo siyang iniisip kung kumain naba siya, maayos lang kaya siya, at siya naman hindi ka niya maalala.

Natulala nalang ako at nasabing okay lang.

“Hindi mo ako kaibigan or cousin. Nakita lang kita doon sa meeting kaya kita kilala. Sorry” – Nginitian ko nalang siya.

Pagkaalis niya ay may nakita akong familiar na bagay. Yung cheesecake keychain na regalo ko sakanya noong 1st yr anniversary namin. Cheesecake kasi ang paborito niya.

*Throwback*

 

 

“Babe, this is for you!”

 

 

“Oh my gosh babeee!” – Sabay yakap na mahigpit.

 

 

“I love it! Thank you babe. I love you I love you!” – At hinalikan niya ako ng tatlong beses sa pisngi.

 

 

“Babe, promise, after ilang years, itong coffee shop ang bibilhin ko para sa’yo. Then, pwede mo na kainin lahat ng cheesecake dito.”

 

 

 

*End Of Throwback*

 

 

Then, ngayon ako na ang owner ng coffee shop na yun.

Dumaan nalang ako kung saan ang dati nilang address kung saan araw araw kong pinupuntahan na nagbabakasakaling nakabalik na siya. Pero this time, may tao na. Tinanong ko at ibinigay naman ang address nila dito.

Kumatok ako sa pinto at ng bumukas.

Nakita ko si Yaya. Sobrang kasundo naming dalawa ni zheya si yaya. Lalo na pagdating sa pantatakip niya sa relasyon namin.

Gusto kong yakapin si yaya. Pero nginitian ko nalang siya.

Napatulala si yaya at alam kong gusto niya rin akong yakapin..

“Oh yaya, bakit hindi mo papasukin? He’s my co-worker ya..”

LOST & FOUNDBasahin ang storyang ito ng LIBRE!