Chapter 17: Her Fvckin First Kiss

Kaye’s POV

 

“Mom, are you sure, I’m okay?” Tanong ko kay Mommy.

“8th.” Singit ni Kuya.

“Anong sinasabi mo dyan Kuya?” Kunot noo kong tanong.

“Binibilang ‘yang tanong mong ‘yan. Pang walo na nga eh.” Ewan ko ba kung matatawa o maiinis sa sinabi niya.

Eh kasi naman! Ngayon lang ako aattend ng party. Semi-formal pa ang attire. Hindi naman ako dapat aattend dito. Makikita ko lang si Bulol dun. -_-

Pero si Mommy kasi nakatanggap din daw ng invitation galing dun. Magkakilala din pala sila ng Parents ni Suho-oppa. Kaya eto, ako na lang daw ang representative. Tch.

“Magpractice ka na ng ganyang suot, anak. Malapit na din ang engagement party ng Ate mo. ‘Di ba anak?”

Napatingin ako kay Ate. Ngumiti siya pero alam kong pilit lang ‘yun. So.. tuloy pa din pala ‘yung arranged marriage na ‘yun? Akala ko nabaon na ‘yun sa limot eh.

Ngumiti na lang din ako ng pilit. Paano ako magiging masaya kung alam kong hindi naman talaga? Aww! ‘Di ko bagay magdrama. Huwag na lang. Hahaha!

*BZZZZT*

I opened my phone to check the message I just received.

From: Luhan-oppa.

Kaye.. nasaan ka na? Ur boyfriend is daydreaming here. Maybe she misses u already. :D

**

Pang-asar talaga kahit kalian itong Oppa. -_- Miss daw? In my dreams. Tss! Lakas magpaasa ni Luhan-oppa. Alam na nga niyang malayong mangyari ‘yun, sinasabi pa niya sa akin. Naniniwala tuloy ako. Hahaha! Joke. :D

“Kuya, ihatid mo na ‘ko. Pinapapunta na ko ni Luhan-oppa.” Request ko kay Kuya.

Pinicturan muna nila ako bago tuluyang lumabas ng bahay. Mas excited pa sila sa akin ah. Para akong dalaga na first time makikipagdate sa boyfriend niya. Leche. -_-

Nakasakay na ako sa kotse ngayon. Pinagkikiskis ko ‘yung dalawa kong palad. Nanlalamig na kasi eh.

“Kuya.. bakit kaya ako kinakabahan?” Tanong ko kay Kuya.

“Bakit nga ba?”

“Eeeeeeehhh! Kuya!”

“Don’t worry, your boyfriend is there naman.” Nakangiti niyang sabi habang nagpapatuloy pa din sa pagdadrive.

“Eh hindi naman ta—este hindi naman talaga ako kinakabahan. Joke ko lang ‘yun. He-he-he.” Palusot ko.

*sigh*

Muntik na ako dun ah! Hoo.

Ilang sandali pa ay huminto si Kuya sa isang napakalaking bahay. Oh! Let me scratch that. Napakalaking mansion!

Tama nga ang sinabi ni Luhan-oppa. RITS KID nga talaga. Junmyeon ‘yan eh! :3

“I’m going na Kuya. Bye!” I kissed Kuya on his cheek.

“Bye Kaye. Enjoy! Goodluck.” Pinat niya ang ulo ko.

Lumabas na ako ng kotse niya. Nagwave na ako sa kanya hanggang sa tuluyan na siyang makalayo.

WOOOO! Eto na ‘yun! Anong gagawin ko? Teka.. doon maingay kaya nandoon ang venue sa may gilid ng mansion. Napakalawak naman dito! Ang dami pang tao! May possibility na maligaw ako dito, promise!

When I Met Him (EXO's Sehun FanFic)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!