Chapter 3

6 0 0

Humiga na ako at nakatingin nalang sa kisame. Iniisip ko kung sino talaga si neil. Naiyak ako bigla noong maalala ko ang mga anghel ko.

“Mga baby ko, kung nasaan man kayo, tulungan niyo naman akong malaman ang nakaraan ko.. oh?....” – Habang kausap ang sarili ko..

Kinabukasan pumasok na ako sa trabaho ko at nakasalubong ko sa hallway si neil. Nakipagngitian lang siya at tuloy tuloy lang ang lakad. Pero ako mismo nabigla noong tawagin siya.

“NEIL”

Lumingon siya at ngumiti. Kaagad ko naman siyang nilapitan.

“Neil? Pwede mo ba akong samahang maglunch?”

“Oh sure. Let’s go?”

“Hm  Hm” – Ngiti naman ako.

Isang sasakyan nalang ang ginamit namin. Ayun ang kay neil. Hindi ko alam bakit sa dinami dami ng restaurant ay dito sa isang coffee shop niya ako dinala. Well, go with the flow ako.

Nandito na kami sa loob at pagpasok ko sa loob ay parang napaka-special ng lugar na ito.

Umupo na kami at binigay sa amin ang menu. Ang best seller at ang cover ng menu list nila ay ang cheesecake.

May naramdaman akong iba. Dahil ang cheesecake na nasa picture ay kamukhang kamukha ng sa keychain ko.

“What do you wanna eat?” – Tanong sa akin ni neil.

“Cheescake?” – Tanong ko habang nakangiti sakanya.

“I knew it.” – Bulong ni neil sa sarili niya pero narinig ko at hindi ko nalang pinansin.

“Ako nalang ang magttreat sayo, but for one condition.” – Sabi ni neil na napaisip ako kung anong condition yon.

Nag-nod nalang ako at sabi niyang may sasagutin lang naman daw ako at kailangang honest.

“Yung cheesecake keychain mo.. Kanino mo iyon galing? At mukhang napaka-special nun sa iyo?” – Seryosong tanong niya

LOST & FOUNDBasahin ang storyang ito ng LIBRE!