Chapter 18: Just friends

4.5K 77 6

Chapter 18: Just friends

Ilang minuto rin siguro siyang walang imik habang patuloy sa paglandas ang mga luha ko. Hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya pabalik, nang mahigpit.

Para bang nabawasan ang bigat sa dibdib ko matapos kong ilabas ang lahat ng hinanakit sa pamamagitan ng pag-iyak. Umihip ang napakalakas na hangin, dumarami na rin ang mga taong dumaraan sa paligid ngunit hindi pa rin kami natinag sa kinatatayuan namin.

Saka ko naalala na may next class pa pala kami. Baka ma-late pa ako kaya mas mabuti siguro kung makakapag-usap na kami ngayon nang masinsinan. Kahit mahirap, pipilitin kong ayusin ang lahat.

Even though I know...

Things will never be the same again.

Humiwalay ako mula sa pagkakayakap sa kaniya. Pinunasan ko ang bakas ng mga luha sa 'king pisngi. Hinawi ko ang ilang strands ng buhok na nakaharang sa 'king mukha. Saka ako tumingala at tumingin sa kaniyang mga mata, sabay ngiti nang napakatamis.

Walang anu-ano'y binatukan ko siya nang napakalakas.

"Walang 'ya ka! Nakakainis ka! B'wisit ka! Ano bang ginawa ko sa 'yo? Bakit hindi mo ko pinapansin nitong mga nakaraang araw? Kinakausap mo lang ako kapag may kailangan ka. Hindi mo na ako sinusundo sa bahay tuwing papasok. Hindi mo na rin ako tinatabihan tuwing klase. Daig ko pa ang may STD kung iwasan mo! Wala naman akong ginagawang masama sa 'yo! Ang bait-bait ko na nga sa 'yo tapos ginaganito mo pa 'ko? Anong klaseng bestfriend ka? Ka-bad trip ka!" Pinagsusuntok ko lang siya habang nagtatatalak ako, samantalang tawa lang nang tawa ang loko.

Nababaliw na ba siya? Matapos kong sabihin lahat ng 'yan, tatawanan niya lang ako?

"Gano'n, tatawanan mo lang ako? Care to explain?" may pagtataray sa tono ko.

"Hahaha! Sorry naman!" wika niya habang pinipigilan ang pagtawa. "Ikaw kaya 'tong hindi namamansin!"

"So ako pa ngayon ang may kasalanan?" nakahalukipkip kong sabi.

"Pa'nong hindi kita papansinin, nakakatakot kaya ang aura mo nitong mga nakaraang araw! Para kang makakapatay tuwing lalapitan kita," natatawa niyang sabi.

Hinampas ko siya sa braso. "Hindi naman! Masabi mo lang. Ang sabihin mo, palagi kang nakadikit kay Erica kaya wala ka nang panahon sa 'kin," nagtatampo kong sabi sabay make-face.

"Sus! Ikaw pa rin naman ang bestfriend ko," aniya sabay akbay sa 'kin.

Bestfriend.

I know.

Bestfriend lang kasi ako.

(Ang drama!)

"Ikaw ha. Pansin ko, lagi kayong magkasana no'n nitong mga nakaraang araw. Crush mo? Kayo na ba?" mapang-asar kong tanong sabay tawa.

Kunwari masaya ako. Sabayan niyo ako sa pagtawa. Ha. Ha. Ha.

Bed friends? (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!