Twelve ★ - Dinner Group Date

11.1K 152 3

Sorry medyo nadelay. Hindi ko napost kagabi kasi ginamit ng kapatid ko ang internet connection :)))) 

Enjoooooooooooooy!! 

 

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter Twelve

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatitig sa mga taong busying busy sap ag-uusap ng kung anu-ano sa loob ng restaurant kung saan ako matiyagang nag-iintay na dumating si Martha. May usapan kasi kaming sabay na mamimili ngayon ng Christmas gift para sa darating na pasko. Parang kailan lang noong nag-punta kami sa L.A tapos next next week ay Christmas at magpapalit na naman ng taon. Malapit na rin kaming umuwi ng Pilipinas.

‘Ang tagal naman non’ sambit ko sa isip ko. Halos ilang oras na akong nag-iintay sa kanya. Parang siyang si Asher na palaging sinasabing malapit na siya hanggang sa ngayon ay wala parin siya. Kung hindi ko lang kaibigan ang taong iyon ay kanina pa ako umalis dito. Ayoko talagang nag-iintay, madali kasi akong mainip.

Kitang kita mo sa loob ng restaurant ang iba’t-ibang klase ng tao. Kasalukuyan akong nakatitig sa isang couple na pareho ng matanda. Agad akong napangiti ng makita ko kung gaano sila kasweet sa isa’t-isa. Kahit na matanda na sila pareho ay nandoon parin iyong spark at kilig factor.

Iyong ganoong klase ng love story ang gusto kong mangyari sa akin. Iyong pareho kaming tatanda na magkasama, makikitang lumaki at magkaroon ng sariling pamilya ang mga magiging anak namin. Makikita naming masaya ang mga anak namin sa mga anak nila.

Mababakas mo sa mga mukha at mata nila ang pagmamahal nila para sa isa’t-isa. Nakakatuwa silang panoorin kahit na medyo nakokornyhan ako kasi inaasikaso ng matandang lalaki iyong asawa niya habang kumakain. Agad akong napangiti ng makita kong pinunasan ni lolo ang gilid ng bibig ni lola dahil siguro may dumi. Hindi ko naman kasi masyadong makita dahil medyo malayo ang pwesto nila sa akin.

Sabi nila para magtagal ang isang relasyon o pagsasama ng dalawang tao ay kailangan marunong kayong magcommunicate sa lahat ng bagay at pagkakataon. Kung may maayos na communication ang dalawang magkarelasyon ay magiging maayos ang takbo ng relasyon niyo. Pero para sa akin para magtagal ang isang relasyon ay kailangan niyong respetuhin ang isa’t-isa.

Hindi nagwowork-out ang isang relasyon kung puro selos at away. Hindi nagwowork-out ang isang relasyon kung puro pagdududa. Hindi kasi ganoon ang relasyon, ang relasyon ay isang give and take na sitwasyon. Hindi pwedeng take ka lang ng take, hindi rin naman pwedeng give ka lang ng give. Hindi matatawag na pagmamahal iyon kung hindi kayo nag-gigive and take, ang magiging tawag doon ay pagkakagawang gawa.

Her Paid Husband ★ (On-Going)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!