Chapter 1

9 0 0

*BOOM*

Unti-unti ng bumubukas ang aking mga mata. Pero malabo parin ang aking nakikita. Lahat ay nakaputi. Ang liwanag. Akala ko’y nasa langit na ako.

“Miss? Are you ok?” – Sabi ng isang babaeng nakaputi din.

Uupo sana ako kaso sabi ng isang lalaking nakaputi na magpahinga muna daw ako.

Hindi ko alam kung nasaan ako. Kung anong nangyari. Kung sino ako. Wala akong maalala. At bigla nalang tumulo mga luha ko.

 

 

3 months later..

 

 

Nandito ako sa hospital. Pagkatapos daw ng aksidente namin ng boy friend ko. Dalawang linggo lang ako sa hospital at maayos na ako. Pero ang boyfriend ko, hanggang ngayon ay nakahiga pa’t natutulog ng mahimbing.

Ni isang sigundo ay hindi ko iniwan ang boy friend ko.

Tumawag si mommy na nasa bahay at pinapauwi na muna ako. Magpahinga muna daw ako. So ayun, sumunod ako sakanya. Hinalikan ko muna sa noo ang boyfriend ko at hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. Sabay sabi sakanyang..

“Baby, I gotta go. Hindi kita iiwan ng matagal. Babalikan naman kita. Aalis na muna ako ha? I love you baby” – Sabay halik sakanya..

Binitawan ko na ang kamay niya’t umalis na ako doon sa kwarto.

Habang nasa elevator na ako ay biglang huminto ito. Nag brown out. Biglang tumulo mga luha ko. Alam mo kung bakit?

Dahil kuryente nalang ang bumubuhay sa boyrfriend ko.

Nakauwi na ako at narinig kong nag uusap sina daddy at mommy.

“Hon, nakaalis naba si zhey sa hospital noong nag brown out?”

“Oo hon, kaagad ko siyang tinawag. Mabuti yun ng hindi niya masaksihan ang pagkawala ng boyfriend niya”

Napatigil ako sa may pintuan at umiyak ako habang nakatakip ang bibig ko sa kamay ko. Dahil alam nila na mawawalan ng kuryente without my knowing.

Pumasok nalang ako ng tahimik paakyat sa kwarto ko at natulog nalang ako.

LOST & FOUNDBasahin ang storyang ito ng LIBRE!