Chapter 3

413 33 0

[D.O]

"D.O gising na." minulat ko ang mga mata ko at tumambad sakin ang hindi pamilyar na mukha. Inalala ko ang mga nangyari kahapon atsaka ko lang siya nakilala. Si Kai. Ang Asawa ko.

"Kai .." I murmured. Kita kong gumuhit ang ngiti sa labi niya.

"Wake Up, D.O. Time for breakfast." napangiti ako. Hindi ko man matandaan ang lahat puso ko ang nagpaparamdam sakin na nangyari na to sakin dati. Tumayo na ako saka nag-inat. Suddenly, I froze.

H-He .. H—He k-kissed me.

Hindi agad ako nakagalaw at feeling ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha at ngayon pulang-pula na ako.

"I—Im sorry. I d-didn't intend to do that." napaiwas ako ng tingin.

"I—Its okay." tumayo na ako saka na naunang bumaba. Hindi ko nga alam kung ilang segundo lang ako naglakad dahil agad akong nakarating sa kusina.

"Im sorry, D.O." napalingon ako sa likod ko at nakita ang topless na si Kai.

"M—Magsuot ka nga ng pang-itaas!" I shouted. Kasi naman, ibalandra daw ba yung katawan!

"Naiilang ka ba? Dati ko naman na tong ginagawa. Inaakit nga kita eh." sabi niya pero hindi ko naintindihan yung huli niyang sinabi kasi ibinulong niya.

"K—Kahit na. Magbihis ka pa din!" tumalikod na ako sakanya saka na dumirecho sa dining table. Nakita ko na meron ng nakalutong Fried Rice, Bacon, Egg, Ham, and Hotdog.

"Siya lang nagluto nito?" bulong ko.

Umupo na ako saka siya inantay. Maya-maya lang bumalik na siya at may pang-itaas na.

"Ikaw may gawa nito lahat?" tanong ko at tumango naman siya.

"Ah. D—Dati mo na ba tong ginagawa?" ilang na tanong ko. Umiling naman siya.

"Ikaw ang laging nagluluto dati D.O dahil may pasok ako sa Opisina. Tinuro mo lang sakin kung pano gawin ang mga ganitong bagay. Ngayon, sure ako na ako na ang gagawa nito para sayo." nakangiting sabi niya. Feeling ko namula ako. Seryoso?

"T-Talaga?" tumango ulit siya.

"Madami akong gustong malaman pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula." nahihiyang sabi ko.

"You can ask me anything. Hindi ako mapapagod na ikwento sa'yo ang lahat. Mahal kita, D.O." sa huling sinabi niya bigla akong nailang. Hindi ko alam kung bakit pero bigla ko nalang iniwas yung tingin ko.

"It's okay kung naninibago ka pa. Naiintindihan ko." nagpatuloy na siyang kumain at hindi na nagsalita. Ang gloomy niya. Namagitan na naman ng matagal ang katahimikan bago ko basagin iyon.

"P-Paano tayo nagkakilala?" napahinto siya sa pagkain dahil sa tanong ko.

"Sinundan kita. Sinabi nila na ikaw ang itinakda kaya kita sinundan." nagtaka ako. Bakit niya ako susundan?

"Bakit mo naman ako sinundan?" napatingin na siya sakin at seryoso ang mukha niya. Matagal bago siya makasagot. Pero nagulat ako ng magsalita ulit siya.

"Binalak kitang patayin nuon dahil nalaman kong ikaw din ang papatay sa akin."

***

[Kai]

Niligpit ko na yung pinagkainan namin at saka ko hinugasan iyon. Sinasabi ko na nga ba na sa oras na malaman niya ang totoo, masasaktan ko siya. Ayokong magsinungaling sakanya dahil alam kong hindi naman makakatulong iyon sa pagbalik ng mga ala-ala niya.

Pinagmasdan ko lang ang likod niya. Nanunuod siya ng TV at nakatahimik lamang. Tinabihan ko siya. Hindi man lang niya ako sinilip o ano. Basta ang focus lang niya ay sa pinapanuod na Cartoon na Phineas and Ferb.

"Naguguluhan ako .." nagulat ako ng magsalita siya at patayin ang TV. Napatingin ako sakanya na diretso padin ang tingin.

"A-Ano?"

"Kung balak mo pala akong patayin nuon, bakit pa ako buhay ngayon?" napatingin na siya sakin ng itanong niya iyan.

"D-D.O .."

"Hindi ba dapat ay wala na ako ngayon? O kung naunahan man kita, diba dapat ay wala ka na ngayon?" may gumuhit na kirot sa dibdib ko ng sabihin niya ang huling pangungusap.

"Hindi ko kasi maintindihan kung bakit kelangan mong gawin yon. Itinakda? Ako yon diba? Ano ba talaga ang papel ko bilang itinakda!" bakas na ang pagkairita sa boses niya.

"Minahal natin ang isa't-isa D.O. Yan lang ang masasagot ko ngayon." napakunot ang noo niya.

"Magpahinga ka na muna. Siguradong madami ka ng nalaman ngayong araw." pagkasabi ko non dumiretso na ako sa kwarto para mag-ayos.

Gusto ko mang sabihin ang lahat.  Natatakot ako na baka mag-iba ang tingin niya sakin, na baka iwan niya ako, na baka hindi niya gustuhing alalahanin pa ang lahat ng nasa nakaraan niya. Natatakot ako na mawala sila sakin.

**

Yeah. I know ang dami kong kasalanan. Bakit di ako nag'update for almost 2 months? Am I Right? XD

Ganito kasi yan. Alam niyo yung Broken Hearted? AKO YON. LOL.

Basta. Ayoko na ikwento. Nawawasak ang Puso ko <//3. Nawalan ako ng Inspirasyon. Tapos .. Tapos .. Tapos .. Basta! Laughtrip ako kasi chuchu yung pinalit niya sakin. Hahaha. XD

Expect my Weekends Update ♥

The Memory.

© Saraaabeeels

The Memory [MIB Sequel]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!