For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Chapter 18

768 37 3

[Luhan]

Bampira? Ibig-sabihin mayroon pang natitirang Bampira sa Lugar namin. Nasan na sila?

"Nalaman namin na kinuha ang lahat ng dugo niya." sabi pa ni Ina.

"P-paano niyo nalaman?"

"Dahil Luhan hindi naman siya mamamatay kung mayroon pang natira sa katawan niya" paliwanag ni Ina. Humarap ako kay Sehun na nakatingin lang sa katawan ni Krystal.

"Ina uuwi na po kami. May sakit pa po kasi si Sehun." dahilan ko nalang. Tumango si Ina atsaka na kami umalis. Naglakad nalang kami dahil gusto iyon ni Sehun.

"Ang tahimik mo." basag ko sa katahimikan. Napatingin siya bigla sakin.

"Wala." tipid na sagot niya.

"May problema ba?" tanong ko saka ako huminto kaya napahinto din siya.

"Wala Luhan. Wala." sabi niya. May mali talaga eh. May problema siya.

"Sigurado ka?" tumango lang siya.

"Wag na wag ka ng lalabas ng Bahay Sehun na mag-isa. Ayokong mapahamak ka. Kung lalabas ka man. Magpaalam ka sakin." sabi ko. Wala siyang sinabi at tahimik na naglakad. May problema talaga.

Nakarating na kami sa bahay at agad siyang dumiretso sa kwarto. Wala siyang kibo kanina habang naglalakad kami. Nakakapanibago. Parang biglang nawala yung masayahin at makulit na Sehun. Ano bang nangyari sakanya? Umakyat nadin ako at tumabi skanya sa paghiga. Niyakap ko siya mula sa likod dahil nakatalikod siya sakin.

"Nandito lang ako Sehun. Kung may problema. Nandito lang ako." saka ko hinalikan ang ulo niya.

**

Kinapa ko kung nasan yung katabi ko. Napadilat ako ng maramdaman kong wala si Sehun sa tabi ko. Tiningnan ko ang bintana kung umaga na pero madilim pa. Tumayo ako at kinusot ang mata. Madilim pa nga, siguro ay madaling-araw palang. Bumaba ako para tingnan kung nandoon si Sehun pero wala. Inikot ko ang buong bahay pero wala. Nasan na siya?

Napaupo ako sa Sofa at nag-isip kung nasaan siya? Hindi naman siya lalabas dahil sa malamig na sa labas ay delikado pa. Narinig ko ang pagbukas ng pinto.

"L-Luhan?" gulat na tanong niya. Napatayo ako.

"Saan ka galing?" tanong ko.

"Sa likod ng bahay. May tiningnan lang." dahilan niya.

"Diba sinabi ko na sayo? Kung lalabas ka ng bahay magpapaalam ka?" isinara na niya ang pinto at nilagpasan ako.

"Sehun kinakausap kita!" sigaw ko.

"Kung sisigawan mo ako mas magandang wag na tayong mag-usap." sabi niya saka pinagpagan ang damit dahil puro nyebe.

"Ano bang problema mo?" mahinahon kong tanong.

"Sinabi ko na sayo. Wala akong problema." sagot niya.

"Anong ginawa mo sa likod?"

"Sinabi ko ng may tiningnan lang ako diba? Ang kulit mo." sabi niya na may irita sa boses.

"Sinabi ko diba na delikado na lumabas ngayon lalo na at madilim pa sa labas!" sigaw ko. Hindi ko na alam kung paano ko ipapaintindi sakanya na nag-aalala lang ako sa pwedeng mangyari.

"Ano bang pakielam mo kung lumabas ako mag-isa? Matanda na ako! Kaya ko na ang sarili ko. Hindi na ako bata na kaylangan pa ng alalay para lumabas ng bahay." pagkasabi niya non umakyat na siya sa kwarto. May mali. Sobrang mali.

Umakyat nalang din ako at nakita ko siyang nakahiga na. Humiga na din ako at yumakap sakanya.

"Patawad Sehun. Pasensya na kung nasasakal kita. Gusto ko lang naman na protektahan ka." hindi na siya sumagot hanggang sa tuluyan na akong makatulog.

**

"Kumain ka na." saka niya ipinatong ang mga niluto niya sa lamesa. Pagkagising namin yan palang ang sinasabi niya sakin. Kailangan kong malaman kung ano ang problema niya.

"Lalabas ako mamaya. Pupunta ako kay Chen." sabi niya ng hindi tumitingin sakin.

"Sasamahan kita."

"Bahala ka." walang gana niyang sagot.

Kumain nalang din ako. Pagkatapos kumain nagligpit na siya. Ang tahimik niya. Kadalasan kapag ganyan siya ang unang magtatanong sa mga bgay na gusto niyang malaman sakin.

"Tara na." aya niya saka nauna ng maglakad palabas.  Ni hindi man lang niya hinawakan ang kamay ko, kaya ako nalang ang gumawa. Hinigpitan ko yun. Napatingin siya sakin at nginitian ko siya pero hindi siya ngumiti at tumingin lang sa daan. Dapat na ba akong mangamba sa sitwasyon namin?

Nakakita kami ng mga lalaki na sa tingin ko ay kalahi ko na tumatakbo. Papunta sila sa direksyon namin.

"Anong problema?" tanong ko.

"May limang kalahi natin Luhan ang nakitang wala ng buhay sa gubat." sabi nung lalaki habang humihingal.

"Katulad din ni Krystal. May Apat na butas sila sa leeg na tiyak na ang mga bampira lang ang nakakagawa." sabi naman nung isa. Biglang humigpit ang hawak ni Sehun sa kamay ko. Tiyak na natatakot na siya.

"Ipaalam niyo ito agad kay Ama." tumango sila at nagtatakbo ulit.

Nakarating na kami sa bahay ni Chen. Pagdating namin sa tapat agad na binitawan ni Sehun ang kamay ko at niyakap si Chen. Hindi ko alam kung ano ang naramdaman ko pero nasaktan ako. Ngumiti din siya kay Chen na hindi pa niya ginagawa sa harap ko.

"Oh Luhan! Kasama mo pala siya di mo sinabi." buti naman at napansin ako.

"Oo nga pala. Sorry." saka niya ako hinawakan sa braso at pumasok na kami sa bahay.

"Narinig ko na may namatay na naman sa gubat. Lima?" tanong ni Chen. Nakaupo na kami ngayon at nagkkwentuhan.

"Oo."

"Akala ko noon ay naubos na natin sila." sabi ni Chen. May natitira pa Chen.

"Ako man. Alam ko'y ang huling humihinga noon ay si GDragon." sabi ko.

"Mayroon pa palang natira? Paano natin malalaman kung nasaan ang bampira?" - Chen. nagtataka ako. Paano nga ba?

"Malay natin. Nasa tabi lang pala natin siya." biglang nagsalita si Sehun na parang ako ang pinaparinggan. May pinatatamaan nga ba siya.

"Kaya ikaw Chen, mag-ingat ka. Ikaw lang ang kaibigan ko dito. Baka mamaya ikaw na ang isunod nung bampira." napahinto ako sa sinabi ni Sehun na yon. Parang may ipinararating yon. Tumawa siya at tahimik kami ni Chen na nakatingin at nakakunot lang ang noo.

Kakaiba si Sehun ngayon. May Mali.

**

Comment & Vote?

The Werewolf Boy!

©Saraaabeeels

The WereWolf Boy! ♥ [HunHan Fanfic]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!