Chapter 1: The Knight arrives

9 1 0

Sa ating buhay, di maiiwasan ang DRAMA. Sabi nga nila kung walang drama sa buhay mo, masyado kang PLAIN na tao.

Sa TV may bida at kontrabida, kung saan si kontrabida palaging sinasaktan si bida. Syempre hindi mawawala ang KNIGHT in shining armor ng bida, na gagawin ang lahat para maging masaya yung bida, ipagtatanggol sa mga nananakit sa bida at parating andyan kapag ang bida ay may kinahaharap na matinding pagsubok.

Lahat tayo may tagapagtanggol din, tagapagtanggol sa mga nananakit sa'yo at minsan siya din ang nagliligtas sa'yo. Ang iba tawag nila jan, Savior, Guardian Angel, Knight in Shining Armor , The One, My Destiny at iba pa. Sabi nila yang mga yan daw, kayang hawiin ang iyong fears at tears. At papalitan nila ito ng magagandang memories, .............memories ninyo together na hinding-hindi kayang kunin ng fears mo sa life.

Yung iba nakita at nakasama na yung The One nila, samanatalang yung iba naman hindi pa nakikita yung destined para sa kanila. Sa laki ba naman ng mundo natin at sa dami ng populasyon natin, mahirap talagang mahanap yung taong para sa'yo. 

Ikaw ba nahanap mo na ang Savior, Guardian Angel, Knight in Shining Armor , The One, My Destiny at kung ano man ang tawag mo sa kanya? Ang iba ang first meet nila ay maganda, yung mga nangyayari sa mga movies, yung mga nakakakilig. 

Pano kung ikaw na hindi mo pa nahahanap yung destined para sa'yo, eh magkita kayo sa hindi inaasahang panahon kikiligin ka pa rin ba. Ano kaya ang matatawag mo sa kanya?

------------------------------------------------------------------------

Chapter 1:

RHIAN'S POV

Sa jeep,

(Radio speaking) Ngayong araw po ay nakakaranas ng katamtamang ulan sa mga sumusunod na lugar: Batangas, Quezon, Laguna, Rizal, Cavite at iba pang mga lugar sa North Luzon. Lahat po ng nabanggit ay nakataas pa lamang sa Signal no. 1 , tayo po ay sama-samang mag-ingat at magdala ng payong. At maki-update sa mga balitang bagyo.

 "Ano ba yan, naulan na naman." 

- _ - I hate this weather, it makes me remember-----ay nako wag na nga ibalik yung past. By the way nakakatamad kaya kumilos kapag naulan, lalo na kapag malakas. Ang sarap kaya matulog kapag naulan, lalo na sa isang malaki at malambot na kama. Mas traffic din kasi kapag naulan. 

Di ninyo pa nga pala ko kilala, 

Ako nga pala si Rhian Torres, 18 years old. 4th year College na ko. Secret na yung University na pinapasukan ko, and I'm proudly to say that I'm living in the city of CAVITE!!!  Course ko BSBA (Bachelor of Science in Business Administration major in Marketing). Nakatira ko sa Town and Country ng Dasmariñas. Mabait, masipag, medyo matalino, responsable, simple, at lovable. Kaso walang LOVE LIFE. Hahahahaha. 

Syempre tao lang din ako,may negative traits din at ang nangingibabaw sa mga yun eh, ang pagiging CLUMSY. Ayoko sa lahat kapag naulan, kasi mas nadodoble yung pagiging CLUMSY ko. 

 Umagang-umaga naulan, ang lakas maka bad mood. Kaya kokontrahin ko itong weather na ito ng isang malaking SMILE.....para good mood.   ^   _   ^

Knight in RAINBasahin ang storyang ito ng LIBRE!