Chapter 17

793 36 5

Expect the unexpected ..

**

[Luhan]

Naramdaman ko ang pagkabasa ng pisngi ko. Umiiyak na naman ako.

Akala ko ba ako lang?

Akala ko ba hindi na siya aalis?

Akala ko ba hindi niya ako iiwan?

Akala ko ba mahal niya ako?

Lahat ba ng to akala lang?

"L-Luhan?" napaharap ako sa nagsalita.

"S-Se..Sehun?" agad akong tumayo at niyakap siya.

"San ka ba galing?" agad na tanong ko.

"Diyan lang. Pasensya ka na. May tinapos lang ako." hinarap ko siya.

"Tinapos?"

"Wala yun. Maliit na bagay lang." sabi niya. Parang may kakaiba kay Sehun ngayon.

"Pumasok na tayo. Sa susunod na lalabas ka, sasabihin mo sakin. Natatakot ako na baka iwanan mo na naman ako." ngumiti siya ng matamis.

"Hindi ko gagawin yon. Hindi kita iiwan. Hindi kita sasaktan. Poprotektahan kita." nangiti ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang tawag sa nararamdaman ko na to.

"Tara na .." atsaka na kami pumasok sa loob.

Nagsimula na siyang magluto at ako ay nakaupo lang habang pinagmamasdan siya. Sana ganito nalang kami habangbuhay. Yung wala ng gugulo at hahadlang.

"Nagugutom ka na ba?" bigla siyang humarap kaya napangiti ako.

"Oo. Kanina pa. Hinanap pa kasi kita sa buong lugar kaya medyo nagutom ako." nag-iba yung ekspresyon niya.

"T-Talaga? S-Sandali lang at matatapos na to." bigla siyang tumalikod.

Maya-maya narinig namin ang marahas na pagkatok sa pinto. Agad kong hinila si Sehun papunta sa Likod ko. Ayokong masaktan siya ng kung sino man ang nasa likod ng pinto na yan.

"Luhan!" si Chen.

"Luhan buksan mo! Nandyan ka ba?!" sigaw ulit niya kaya nagmadali akong buksan ang pinto.

"Bakit?" bungad ko.

"L-Luhan .. si Krystal." sabi niya. Napayuko pa siya at tila ayaw sabihin ang nalalaman.

"ANO?!" sigaw ko.

"L-Luhan s-si K-Kr..Krystal w-wala n-na." bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya.

"A-Anong wala na?"

"P-Pinatay siya Luhan! Nakita siya sa gitna ng kakahuyan at wala ng buhay!" sabi ni Chen. S-Sino naman ang gagawa sakanya ng ganon? Alam kong masungit si Krystal pero wala siyang kagalit sa lugar na to!

"N-Nasaan siya?" naramdaman ko na madiin na hinawakan ni Sehun ang kamay ko.

"N-Nasa bahay niyo na."

"O-Osge. P-Pupunta na kami d-don." saka ko isinara ang pinto at biglang niyakap si Sehun.

"S-Sehun .."

"Ssssssshhhhh. Alam ko .." sabi niya kaya mas hinigpitan ko ang yakap sakanya. Naramdaman ko na ang mga nagbabadyang luha na babagsak.

"Bakit si Krystal pa?!" sigaw ko. Tuluyan na nga akong napaiyak.

"Mabait siya. Malambing at Mapagmahal. Hindi ko alam kung sino ang may intensyon na gawin sakanya yon. Wala na yung kapatid ko Sehun. Wala na si Krystal." sabi ko sa pagitan ng iyak ko. Ang hina hina ko! Wala akong nagawa para iligtas siya. Umalis ako sa yakap at hinarap siya.

"Pupunta tayo sa bahay."

**

"Ina." niyakap ko agad si Ina na ngayon ay umiiyak.

"Buti at nakapunta ka Luhan. Si Sehun?" lumingon ako sa likod at nakita si Sehun na nakatingin lang sa nakahigang si Krystal.

"Sehun." nabalik siya sa ulirat ng tawagin ko siya. Sinenyasan ko siya na lumapit kaya lumapit sya sa pwesto namin.

"Nakikiramay po ako." sabi niya at niyakap si Ina. Pagkatabitaw niya ay kinuha ko ang kamay niya. Ayokong lumayo siya ulit.

"Salamat Sehun. Luhan alam na namin kung ano ang pumatay sa kapatid mo." napatingin ako kay Sehun na napatingin din sa akin.

"A-Ano po Ina?" hinigpitan ko ang hawak ko kay Sehun.

Pinakita niya ang nasa leeg ni Krystal. Apat na butas. Nag-isip ako. Isang lahi lang ang alam kong nakakagawa ng ganyang marka. Bampira.

**

Sino ang pumatay kay Krystal-Babyy?

Comment & Vote.

The Werewolf Boy!

© Saraaabeeels

The WereWolf Boy! ♥ [HunHan Fanfic]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!