(65) Dumating siya

111 2 0

 Thunder P.O.V

Narito ako sa airport. Kakarating ko lang. May susunduin akong mahalagang tao.

Tiktok tiktok

Parang ang haba ng oras. Naghihintay ako.

May dala akong banner. Hindi ko pa ito tinataas. Ugh matagal tagal na rin noong hindi ko siya nakita. 

Ano na kaya itsura nya? Gusgusing bata pa kaya?

Naging busy ako sa paglalaro ng temple run nang....

"Hoy!"

Napaangat ang ulo ko sa aking kinauupuan.

"Arrggg! Susunduin mo ba ako? May padala dala ka pang banner di mo naman gagamitin."

"Sorry naman." Tumayo na ako. Tama nga hinala ko maliit pa rin siya. 

PaK!

Ayun nasapol pa rin niya ang ulo ko.

"Ano ba!"

"Anong ano ba?"

"Hanggang ngayon sira ulo ka pa rin baklang hitad ka..."

Hila hila ko ang maletang dala niya.

"Dalhin mo yan ha!"

"Oo na..."

"Nga pala anong meron sa buhok mo?"

"Ano maganda ba?"

"Mukha kang baliw." sabi ko.

"Anong baliw? It's a trend. Ang tawag dyan deep dye ..."

"Deep what?"

"Basta mas maganda sa ombre."

"Ay ewan." 

"Wag kang mag aalala gagawin ko ring pink yung hair mo."

"Wag ka nga..!"

Ganito lang kami mag usap ng kasama ko. Masyado kaming close sa isa't isa.

"So okay na ba na sa inyo ako mag stay?"

"Pwede naman matutuwa si Ate Sandy."

"Pati si Kuya Rain. Miss ko na talaga kayo."

"Naku lalo ka na."

Nakapasok na ako sa bahay namin. Natuwa si Ate Sandy at niyakap ang bagong dating.

"Ate I miss You talaga." sabi niya.

Nung nakita naman si kuya Rain. Tinakbo niya ito at niyakap rin.

Naku ang kulit.

Nag usap kami ng mga tungkol sa mga nangyari hanggang...

"Siguro naman tutuparin mo na ang pangako mo."

"Ano?" tanong ko. Hindi masyadong nakikinig.

"Ung first kiss natin."

Nabilaukan ako. Buti na lang wala sila kuya at ate.

"Irene... Uhmmm"

"Ano ka ba Thunder bakla ka pa rin ba?"

"Ha eee.....eh..."

"Remember I'm your girlfriend."

Wait what paano nangyari yun? 

May girl friend na ako... si Irene....

IU.....

Sana akin ka na langBasahin ang storyang ito ng LIBRE!