"How come...I didn't saw you here? Palagi kasi ako dito and yet, hindi na man kita nakikita dito?"

Natigilan ako for awhile sa sinabi niya.

Palagi siya dito? Oh really?

"Well...I I don't know." Yun lang nasagot ko. Lumabas na rin kami ng sasakyan nila at nagdoor bell na ako.

Si mama na man yung nagbukas ng gate kaya nung nakita ko siya...agad akong tumakbo papalapit sa kanya at niyakap siya.

Ilang oras lang before itong tagpong ito...I was at my near ending. Malapit na akong masaksak, magahasa at malamang, mamurder ng mga hayop na chaka na yun na ang lalaki pa na man ding dambuhala pero hindi man lang nag-atubiling maghanap ng marangal na trabaho. Instead, namirwisyo't nagdulot pa ng trauma sa isang tulad ko.

I hugged her tight.

"Cash, what happened to you? May kung ano bang nangyari?" She sounded so worried. Just like a mother would do.

"Cash..." Hindi pa rin ako nun umiimik at nakayakap lang ako sa kanya.

Maya-maya lang rin, bumitaw na ako sa pagkakayakap ko sa kanya.

"What happened?" Tanong niya uli.

"Iho, ano ba ang nangyari?" Si Garcia na na man yung tinanong niya nung hindi pa rin ako sumagot.

"Uhm...kasi po..." Panimula niya at kinuwento na nga niya yung mga nangyari. Although hindi kumpleto, at least naipaalam niya na sa mama ko yung nangyari.

"Oh God. Cash...okay ka lang ba? Sinaktan ka nila?" She turned to me and examined me. Concerned at worried lang siya sa akin.

"W-wala po. Yun lang...takot pa rin ako. I am trying to be brave, ma. But, fear is trying to pull me down."

"Cash...okay na. Wag ka nang matakot. We'll do anything to stop this fear okay?" Sabi niya sa akin at niyakap ako.

After that, niyaya muna ni mama na pumasok kami sa loob. Kaso, nagpaalam na si Garcia at gabi na rin raw kasi.

"Mauna na po ako." -Garcia

"Ay, iho. Salamat nga pala sa pagtulong sa anak ko. Sobrang pasasalamat talaga." -mama

"Okay lang po yun. Kahit sino na man pong makakakita nun, tutulong rin."

"Ano nga pala pangalan mo iho?"

"Kenneth Garcia po...kaklase ni Cash."

Napalingon na lang ako bigla sa kanya at nasurprise na marinig na hindi Orteza yung tawag niya sa akin. It was the first time I heard him say my name or nickname...not my surname.

But...yeah. Of course he will not say my surname. Nanay ko kausap niya eh.

"Alis na po kami. Sige po." At ayun nga, umalis na sila at kami na man ni mama eh pumasok na sa loob.

Ikinuwento ko lang lahat ng nangyari though parang iiyak na na man ako.

"Sa susunod...umuwi ka na ng maaga okay? Or magpasundo ka na at wag aalis ng school kung hindi ka pa nasusundo. Okay ba yun, Cash?" Mahinahong sabi ni papa na niyakap na rin ako.

"Opo."

Kumain lang kami after then di na namin pinag-usapan pa yung nangyaring yun. Ayaw ko na rin kasing magdwell at maalala pa uli yun.

Hopefully...everything's going to be alright. Ayokong magkatrauma about this. It will be a burden on my part if ganun mangyayari sa akin. I don't think it would be best for me.

Nakatulog na rin ako nun at buti...hindi siya naging nightmare sa pagtulog ko. I was expecting for it though. But thank God hindi na man.

The next morning, hindi na muna ako pumasok. Fresh pa kasi yung nangyari kahapon kaya advice ni papa at mama na wag muna akong pumasok today. Dadalhin din kasi nila ako sa isang guidance counselor or psychologist para maprocess ng maayos yung mga bagay-bagay at mabigyang lunas yung trauma na pwede kong makuha from that incident.

Waiting for youBasahin ang storyang ito ng LIBRE!