Dedicated to gorgeousgeiger_01 for adding my story  to her reading list. Salamat. :]gorgeous

Rose' POV

"Ano ba yan! Sobrang alikabok naman dito! Naglilinis pa ba ang mga janitor dito?! Tch!" reklamo ni Kisha.

"Wag ka ngang maingay dyan baka nandyan na naman si 'mysterious guy'!" biro ni Faye. Kahit kailan talaga.

"Kayong dalawa, pwede bang manahimik kayo saglit?! Sobrang dilim na nga dito eh! Vien, alam kong boy scout ka, akin na yung flashlight na nasa bulsa mo lagi." sabi naman ni Anastasia.

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh!!!!" napatigil kami sa kinatatyuan namin.

Kitang-kita namin. Yung sahig,

puno ng dugo!!!

"Ka...kaninong d-dugo yan?!" anas ni Miki. Lalapit sana sila Aaron at Miguel pero pinigilan ko.

"Teka! Huwag kayong lumapit! Tingnan muna natin kung saan nanggagaling ang dugo." tinahak namin ang mga bakas na may mga dugo hanggang sa mapunta kami sa mga lumang libro.

Nakita namin doon ang mga butas na bag ng dugo at isang sulat.

'Pasensya na Class 4-A pero kailangan niyo munang alamin ang unang saknong ng tulang magsisilbing gabay sa inyo para malaman kung sino talaga ako.-Killer'

"What?! K-killer? Seriously, nakikipaglaro ba sya sa atin? Bakit may killer dyan sa sulat? Ano ba talagang kailangan nating gawin? At saka paano natin malalaman kung nasaan ang mga salita sa tulang sinsabi niya?"

"Teka lang ha! Isa-isa lang pwede ba Dave?! Okay?!" siring ko sa kanya.

"Ganito, since hindi sa atin sinabi ng kung sino mang killer na ito ang pinaglalagyan ng mga sinasabi nya, bumalik nalang tayo sa classroom. At siguraduhin nyo na walang makakaalam tungkol dito." sabi ni Haruko. Syempre dapat itago namin ito baka isipin ng iba na nababaliw na kaming lahat pero mali talaga.

Game Of Death #HHC2018Read this story for FREE!