Sacrifice

14 0 0

Paano mo malalaman na in-love ka na sa isang tao kung sa text mo lang siya makakausap?

Paano mo makikilala ng lubos ang isang tao kung hanggang sa text o tawag lang kayo pwede?

Paano nga ba?Ang hirap nuh?

Pero sa text nagsimula ang lahat sa amin,sa text sya nagsimula manligaw,pangit man pakinggan pero wala akong magawa kundi hayaan syang gawin yun.I'm only 15 at that moment ng makilala ko si Eric sa isang gathering,actually partner ko sya.But that moment,wala yung tinatawag nila na spark o sabihin nalan natin na hindi ako naattract sa kanya.So after nung gathering na yun,ayan na po yung mga text nya sa'kin,pero hindi ko muna pinapansin yun kasi nga natatakot ako sa parents ko na malaman nila yung ginagawa ko.Only daughter kasi at nasaktong bunso pa kaya secured pa.

Mabait naman si Eric eh,panganay na lalaki sa pamilya nila at only son din siya,ewan ko nga kung paano nya nakuha yung loob ko through sa mga sweet text o tawag nya lang,kasi habang tumatagal kinikilig na ako sa mga text nya,yun feeling mo hindi kompleto yung araw mo hanggat walang text galing sa kanya db?Nakakabuang man,pero alam kong alam nyo yung ganung pakiramdam na napapangiti ka ng wala sa oras.(guys kalma,alam ko nakangiti kayo kasi may naalala kayo,hehe,pagbigyan nyo na ako manghula^__^).

Until one day nasabi ko nalang sa mother ko about dun,syempre nung una hindi okay sa kanya but sooner or later okay na,nakakapagkwento na ako sa kanya about kay Eric.Siya na nga naging tagapagtago ng mga ginagawa namin eh if ever na magkikita kami ni Eric,sa kanya lang naman kasi pwede magpaalam eh,hindi pwede kay papa kasi titig palang nya wala na,wala ka ng lakas ng loob magsabi sa kanya.huhu.kaiyak naman,napakasungit ni papa.Buti nalang habang tumatagal tumitigas yun ulo ko minsan dahil na rin siguro sa mga kaibigan ko:) [uya!wala akong sinabi na BI kayo ha].

Hanggang sa grumaduate kami at nakahanap ng kanya-kanyang work,ganun parin.My mga adjustments naman kahit papanu,tulad nalang na alam na ng buong pamilya ko yun tungkol samin pero di parin nila matanggap.

Mahirap mapunta sa ganitong sitwasyon,kasi wala kang ibang magawa kundi sumabay sa kwento nyong dalawa.Hindi mawawala yung bangayan sa pagitan nyo lalong lalo na kapag gusto nya ako makita,at ako si tanga kahit miss ko na sya ayaw ko makipagkita,nakakatamad kasi eh lalo na kapag day off mo lang pwde ka bumawi sa pagod mo?Nakakastress na imbes ikaw yung magalit sa kanya,sya pa 'tong nagtatampo at kelangan mo pang suyuin.Hay buhay nga naman.

Minsan naisip ko nalang kung ano pwde mangyari sa story naming dalawa,kung my happy ending o wala...pero sana naman meron kasi andaming bagay ang isinantabi muna namin bago yun sarili namin na kaligayahan.At minsan naihiling ko din na sana mas lalo ko syang makilala,alam kong madami pa akong kelangan malaman tungkol sa kanya.Basta ang alam ko lang ngayon ay mag-antay at magtiis sa ganitong sitwasyon kasi alam kong darating yung araw na para saming dalawa.

LDRBasahin ang storyang ito ng LIBRE!