Chapter 10

1 4 0
                                                  

Alex's Pov...

Kakagising ko lang at naamoy ko yung niluluto ni Nana sa kusina.

"Hayyss... Makabangon na nga..Nakakagutom matulog."

Pumasok muna ako sa Restroom para makaligo naren ako. Ngayon kase yung unang araw na pasok ko sa Zhing Hutton University. Natanggap narin ako doon dahil inasikaso ng lawyer ni Papa yung mga kailangan ipasa doon.

Medyo kinakabahan ako pero kakayanin ko. Alam kong kaya ko makipag sabayan sa mga nag aaral doon.

Natapos na ako maligo at iniisip ko ngayun kung ano susuotin kung Damit. Alam kung walang Uniform sa university na pinasukan ko kaya iniisip ko kung ano yung magandang isusuot ko. Puro kase mayayaman yung nag aaral doon kaya walang Uniform.

Pinagpipilian ko kung Formal yung susuotin ko or casual. Pero ito nalang Casual kase yun yung mga hilig kong suotin.

Minsan lang ako nag Foformal na damit pag may mga occasion lang. Sinuot ko nalang yung kulay black na pants at kulay maroon na jacket.

Tapos yung ternirno kong sapatos kulay white.

Agad akong bumaba pagkatapos ko mag ayos. Nakita ko si Nana na inaayos niya yung pagkain namin pang almusal.

"Halikana alex?"

"Sige po" Sabay ngiti sakanya.

"Handa ka ba ngayon sa bago mong school?"

"Ou naman po Nana."

"Ou nga pala mamaya ihahatid kana ng Driver naten. At bawal ka nang magcommute baka mamaya mangyare na naman ulit sayo yung nangyare sayo. Mahirap na... Hindi naman palagi ililigtas ka noong lalaking yun na tumulong sayo."

"Haynako si Nana talaga... masyadong concern saken?"

"Abah! sempre para narin kitang anak. At hinding hindi ko mapapatawad sarili ko pag may mangyare sayong hindi maganda. Ibinilin ka sakin ng Mama at Papa mo na protektahan "

"Oh....? Sige na... Nana aalis na po ako?"

Natapos na ako kumain at kilangan ko nang mag madali pumasok baka malate pa ako.

"Sige ingat ka ah??"

"Opo... Nana... Bye ingat den po kayo."

Sumakay na ako sa Kotse ni Papa at ang mag ddriver yung matagal nang driver ng Papa ko.

Malapit na ako makarating sa Zhing Hutton University. Kaya neexcite na ako.

"Miss Alex? Andito na po kayo?"

Bumaba na yung driver ni Papa at pinagbukasan niya ako.

"Thank you."

Nginitian ko nalang siya at ganoon din siya.

"Miss alex una napo ako ah.?"

"Sige po... Text nalang kita pag susunduin muna ako ah?"

"Sige po."

Inantay kung makaalis na yung kotse bago ako pumasok sa loob ng University. Pagkapasok ko pa lang sa loob namangha ako sa ganda. Napakalawak ng School na yun.

Iwan ko kung ilang minuto ako nakanganga sa ganda ng university na papasokan ko ngayun di ako makapaniwala na dito na ako mag aaral.

"Miss? Asan po ba kayo?" Tinanong ako ng ladyguard.

"A-a - ahh wala po.?"

"Saan po ba kayo pupunta?"

"Room ko po di ko po ata mahahanap dito sa subrang lawak ng school na to eh.?"

"Transfered ka ba rito miss?"

"Yes."

"Ah sige ... Ano po bang room niyo? Para maihatid kita?"

"Ah room ko po ba?"

"Hindi room ko??"

"Tsk! Napakapilosopo niyo naman po?"

"Hindi naman miss tinatanong ko lang room mo para maihatid kita tapos sasabihin mo napaka pilosopo ako. Bahala ka nga sa buhay nakakabwesit ka. Ikaw na nga tong tinutulongan eh?"

Iniwan nalang ako ng ladyguard na yun. At mukhang siya yun napikon sa sinabi ko. Eh kung tutuosin wala naman masama sa sinabi ko eh.

"Hala nayare na... late na pala ako."

Diko napansin yung oras 7:40am na pla ang start ng klase ko 7:30am. kaya nayare na talaga ako tudo takbo ako ngayon hinahanap ko yung room 407 hanggang naka akyat na ako ng 4th floor. kaya napagod ako ng subra di pa kase bukas yung elevator. Kaya matiaga kung inakyat yun.

Natatakot ako kase kabago bago ko palang nalate na ako at bukod doon transfer pa naman ako.

Pagkarating ko sa room 407 nakita kung nag lelesson na sila. Kumatok ako sa pinto para makita ako ng professor.

Nakita kung tumayo yung teacher para puntahan ako.

"Yes? Why are you late? Miss Valdis?"

"I'm Sorry Sir."

"Okay."


Pumasok muna sa loob yung professor na magiging professor ko din.

" Okay Class... May bagong transfer dito sa university na to at hinihiling kung respect natin siya. Okay ba yun??"


Narinig ko yung pagsasalita ng Prof. kaya pag katapos niya yun sabihin tinawag na niya ako para pumasok sa loob ng room.


"Thank po."

"Okay... Introduce yourself?"

" Okay... A-a -Ahmmm.."

Sa subrang kaba ko nauutal na naman ako sa sasabihin ko. Yung mukha ng magiging kaklase ko ang tataray nila. Yung iba pinagbubulongan pa nila ako. Yung totoo ngayon lang ba sila nakakita ng Tao?



" Okay... I'm Alex Valdis, I'm 17yrs old, I live in #17 Greystone subdivision."

"Okay Maaari ka nang Maupo"

Tinuro sakin ng professor ko kung saan ako uupo. Nakatabi ko yung isang lalaki na naka Earphone pa kahit na may professor sa harapan. Subrang yabang kung tignan.


"AKALA MO KUNG SINO?!"

Next~



~"Athour kaya mo yan!"~

My Evil Twin'sWhere stories live. Discover now