Chapter 8

0 4 0
                                                  

Nana's Pov. . .

Nakita ko ulit yung sugat niya. Nag tataka ako kung bakit nagkasugat siya? Ang sabi niya nag inom lang siya. kaya di ko napigilan itanong sa kanya yun.


" Ano nangyare sayo may nanakit ba sayo?"


"Nana kase po noong nalasing po kase ako may lalaking tumulong saken sa subrang lasing ko. Kaya tinanong niya saken yung address nang bahay tapos diko po siya nasagot kase nakatulog na po ako. Kaya ayon inuwe nalang niya ako sa bahay nila. Nagulat nalang po ako noong nagising ako ng hindi ko po kwarto yung natulogan ko. Tapos po noon nag karoon po kami ng Misunderatanding kaya ayon bigla nalang ako umalis tapos po sumakay po ako sa taxi na kung saan gusto ako gahasain ng manyak na driver na yun. Buti nalang po sinundan pala ako ng lalaking tumulong sakin sa bar. At tinulongan niya ako ulit sa lalaking manyakis."



"Buti nalang nailigatas ka ng lalaking tumulong sayo sa bar."



"Ou nga po nana eh. Buti nalang dumating siya... Kung hindi po nana baka patay na ako ngayun."


"Nakilala mo ba yung lalaking tumulong sayo? May number ka ba sa kanya para makapag pasalamat ako sa kanya sa pag tulong niya sayo."


"Ahmmm....di ko pa kase siya nakilala eh. Bigla nalang siya umalis noong may tumawag sakanya."

"Ah... Ganoon ba sayang naman sana magkita pa kayo noon."

"Ikaw... Nana ah... Type mo ata yun? Nagdadalaga kana naman ah?"

"Haynako? alex matanda na ako para sa mga ganyan?"

"Pwede pa naman po ah? Basta po totoong pag mamahal."

"Alam mo Alex? Sa panahon ngayon mahirap na magtiwala lalo na sa mga taong nakapaligid satin na di natin lubusan kilala."

"Di ibigsabihin po ba noon? Wala kang tiwala sakin nana?"

Diko nalang siya sinagot kase baka mamaya iba masabi ko at sumama pa loob niya sakin. At alam ko ren na inaasar lang niya ako kase tumanda akong dalaga.

"Hayyst nako nako magpahinga kana alex pagod lang yan."

Inalalayan ko nalang siya para makahiga siya ng maayos. Pagkatapos noon nag paalam nako sa kanya para mag pahinga naren ako.

Pumasok na ko sa room ko kung saan ako nakakwarto. Naalala ko lahat ng sinabi niya na...

"Opo Nana... Siguro po Nana maiintindihan ko yung pagkamatay ni Mama pero sa pagpamatay kay Papa... Hindi. Dahil di ko alam kung bakit ginawa nila yun sa Papa ko. At hinding hindi ko po mapapatawad ang may sala sa pagkamatay ni Papa. Hinding hindi ako titigil hanggat di ko nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Papa."

Natatakot ako sa mga kaya niyang gawin. Alam kung di niya papalagpasin yung nangyare sa Papa niya sa subrang pag mamahal niya sa Papa niya.

Iba yung paguugali niya sa kanyang magulang dahil adopted lang siya. Kaugali niya siguro yung tunay niyang magulang. Pero pinalaki namin siya ng mabuti at kinupkop na parang tunay na anak.

*FLASHBACK*

16years ago ng binigay sakin ng kaibigan ko ang isang sanggol na babae na naka pangalan sa gilid ng damit niya ay Alexandara. Subrang napakaganda ng batang yun. Tinanong ko siya kung bakit binibigay niya sakin yung sanggol na yun. Ang sabi niya kinidnap lang niya yung bata dahil gusto niya maghiganti sa mga magulang nito. Dahil sa pagpatay sa mga magulang ng kaibigan ko kaya kinuha niya yung bata na yun at inilayo niya. Nang malaman niyang pinaghahanap na yung bata ng mga magulang niya nag dadalawang isip siya kung papatayin niya ba ito o Hindi pero nangibabaw sa kanya yung pagiging mabuti kaya sakin nalang niya ibigay yung bata. At nang mabigay niya sakin nag paalam siya na mag papakalayo layo na siya dahil paniguradong papatayin siya ng mga magulang ng bata kaya di nalang niya sakin sinabi kung saan siya pupunta at iniwan nalang niya sakin yung bata. Sa mga panahong yun. Kamamatay lang din ng asawa ko kaya diko na narin mabubuhay yung batang yun kaya napag isip isip kung ibigay siya sa amo ko na matagal na silang di nag kakaanak at ng ibigay ko sa kanila yung batang yun subrang saya niya at laking papasalamat nila sakin. Dahil kahit papaano naranasan nilang magkaanak.

*END FLASHBACK*

Alam kung mali yung ginawa ko dahil inuwe ko siya sa amo ko at yun yung naging magulang ni Alex dahil naaawa ako sa amo kaya ko yun nagawa. Dahil di sila nabibiyayaan ng anak.


Pagkauwe ko sa sanggol na yun. Subrang tuwang tuwa si Aldrine at Exie dahil nagkaroon sila ng anak na matagal nilang gustong magkaroon. Nagpasalamat sila sa panginoon dahil hulog ng langit ang batang yun para sa kanila. Di na nila hinanap kung sino yung tutuong magulang ni Alex. Dahil napamahal naren sila dito at pati narin si Alex subrang mahal na mahal niya yung mga magulang niya.  Hanggang ngayon di pa alam ni Alex kung sino ba talaga  yung totoo niyang mga magulang. Dahil nilihim namin sa kanya yung totoo na adopted lang siya.

At yun yung pinaka kinakatakutan kung malaman niya yung totoo.

My Evil Twin'sWhere stories live. Discover now