Chapter 7

0 4 0
                                                  

Alex's Pov...

Kakauwe ko lang sa bahay nami kasama si Nana inaalalayan niya ako para di ako matumba.

Pagkaupo ko sa higaan ko  nag paalam na siya saken na pupunta siya sa kusina para ipagluto niya ako ng paborito kung pagkain na Sopas.

Yun kase yung laging pinag hahain saken ni Nana pag may sakit ako. Ganoon din si mama noong may sakit siya yun yung palagi niyang kinakain.

Habang nasa kusina si Nana iniisip ko kung paano o kailan ako mag ttransfer sa school ng Zhing Hutton Univeraity.   

Kailangan kase may parents na kasama sa pag aasikaso ng requirements sa school na yun. Medyo mahigpit kase yung school na yun kaya hindi basta basta nakakapasok doon.



Lahat mayayaman yung mga nag aaral doon at di lang mayaman matatalino pa.
kaya medyo kinakabahan den ako pag nakapasok ako doon.


Diko pa namemeet yung mga student doon. At baka mata pubre pa yung tingin nila sa mga baguhan doon. Kaya kailangan ipaghanda ko na yung sarili ko.

Hindi ko pa naman ka level yung mga tao doon. kaya nayare na ako. Sana naman may maging kaibigan ako doon. At sana tanggap nila ako kung ano ugali ko. Di pa naman ako maimikin. Ako yung taong kung di mo maging kaclose di mo ko makikilala ng lubusan.

Kumakatok si Nana... excited na ako. Namiss ko na yung Favorite kung niluluto niya sakem pag may sakit ako.

"Tok!Tok!Tok!"

"Alex?"

"Pasok po"

Nakita  ko si Nana na dala dala niya yung tray na may Sopas. Hindi pa siya nakakalapit sakin pero amoy na amoy ko na.


"Hmmm?! Ang Sarap naman po yan...Nana?"

Nilapag na ni Nana sa tabi ko yung pagkain ko. Kinakain ko na yung luto niya.

"Salamat po Nana..."

"Wala yun sakin atleast  ligtas ka ngayun. Akala ko kung napano kana. Ano pala nangyare sayo? Bakit dika nakauwe ng Dalawang araw dito?"

Kitang kita ko sa mg mata ni Nana na nag aalala siya saken ng subra.

"Ganito po kase yung nangyare Nana. Pumunta po ako kahapon sa puntod ni Mama at Papa. Pagkatapos po dumiretso ako sa Bar at nag inom ako. Diko po kase matanggap na iniwan na nila ako Nana eh."

Naiiyak na ako pero pinipilit kung wag pumatak yung luha ko.

"Alam mo alex? May mga bagay na bigla bigla nalang umaalis dahil yun ang kapalaran nila. Hindi sa iniwan ka nila ng walang dahilan. Kase lahat ng bagay may dahilan."

"Kaya nga po... Nana. Feeling ko po pinagkait saken na maging masaya. Feeling ko po Subrang sama kung tao. Kaya ako pinaparusahan ng ganito.?"

"Lagi mong tatandaan na hindi ka masamang tao nagkataon lang na ganoon yung kapalaran ng magulang mo."


"Opo Nana... Siguro po Nana maiintindihan ko yung pagkamatay ni Mama pero sa pagpamatay kay Papa... Hindi. Dahil di ko alam kung bakit ginawa nila yun sa Papa ko. At hinding hindi ko po mapapatawad ang may sala sa pagkamatay ni Papa. Hinding hindi ako titigil hanggat di ko nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Papa."


"Alam mo Alex masama gumanti sa kapwa?"


"Pero Nana... Kinuha nila saken yung pinakamamahal kung Papa? Pinatay nila yung kaisa isang papa ko."

Naiiyak na ako sa mga sinasabi ko kay Nana. Di ko napigilan yung mga luha ko na pumapatak. Alam kung gusto ako pigilan ni Nana na wag maghiganti kase alam ni Nana kung ano ang kaya kung gawen at kung paano ako magalit. Natatakot siya sa mga mangyayare saken at baka mapahamak pa ako sa gagawen kong paghihiganti. Habang umiiyak ako pinunasan ni Nana yung mga luha ko.


"Tahana... Tahana... Alex. Wag kang panghihinaan ng loob. Dahil alam ng panginoon kung sino ang may sala at siya na ang magpaparusa sa mga taong may sala."

Pinapatahan na ako ni Nana. Tinignan niya yung sugat ko tuhod.

"Alex?? Napano pala yang tuhod mo at bakit nagkasugat yan?"


Itinanong saken ni nana kung bakit nagkasugat yung tuhod ko. Iniisip ko kung sasabihin ko ba sa kanya o Hindi pero ayaw kung magsinungaling.


"Nana kase po... Noong subrang lasing ko na po ano po. hmmm."

" Ano nangyare sayo may nanakit ba sayo?"



Next~

My Evil Twin'sWhere stories live. Discover now