EPILOGUE

15.7K 276 85
                                    

Epilogue -No Sequel

KEYDEN'S POV

Dalawang araw na mula nang mawalan ng malay si Phoebe at sa awa ng panginoon ay nagising na ito kanina pero ang kondisyon nito ay mas lalo lamang lumala. Sa dalawang araw na wala itong malay ay ilang beses akong halos mamatay. Ilang beses tumigil ang heartbeat ng asawa ko pero ang sabi ng mga doktor ay lumalaban daw ito para mabuhay.

I trust my wife. Alam kong hindi niya ako iiwan dahil may pangako kami sa isa't isa. Malaki ang tiwala ko na mabubuo pa ang pamilya namin pero habang nakaupo ako sa labas ng ICU ay hindi ko mapigilang matakot. Natatakot ako sa mga posibilidad. Natatakot ako na sa gitna ng paglaban ko, ang asawa ko naman ang sumuko.

And I know... I knew that I wouldn't be able to resent her. Hindi ko kakayaning magalit dito dahil alam ko ang sakit na pinagdaanan nito para lang makalaban. Alam ko kung gaano nito sinubukang maging matatag para lang makasama ako.

Ang tanging hinihiling ko na lang sa panginoon ay bigyan pa ako ng oras. Kahit kaunting oras na lang. Natanggap ko ang text ni Ace na nakalapag na ang eroplano nito.

Please, kaunting oras pa po.

Hindi pa rin ako pinapayagang pumasok sa ICU hanggang ngayon. Nakausap ko na ang ama ni Phoebe nang dumalaw ito sa ospital at nasabi ko na rito ang plano kong sa ospital kami magpakasal at pumayag naman ito. I promised a grand wedding after this.

Nakahanda na ang chapel para sa kasal namin. Hinihintay na lang talaga namin na bumuti kahit pa paano ang lagay ng asawa ko at mabigyan kami ng go-signal na mailabas saglit si Phoebe.


Nakahanda na ang lahat. Ang kasal namin, ang bahay namin. Siya na lang talaga ang kulang.

"Sir?" Napatingin ako sa nurse nang tawagin nito ang atensyon ko. Naka-upo lang ako sa harap ng ICU. Araw-araw ay nandito ako. Hindi man ako pwede sa loob, ang mahalaga ay maiparamdam ko sa asawa ko na hindi siya nag-iisa.

"Yes?" Tanong ko habang nakatingin sa nurse na nakasilip mula sa pintuan ng kwarto ng asawa ko.

"Sir, hinahanap po kayo ng pasyente. Pwede na rin daw kayo pumasok sabi ni doc basta isa-isa lang at five minutes lang ang pwede niyong itagal sa loob." Magalang nitong imporma sa akin. Hindi na ako sumagot at tumayo na agad.

Finally, after days, pwede ko nang mahawakan ang asawa ko. I couldn't ask for more. Kahit kaunting oras lang, ayos na ako roon.

As I walked inside the ICU, I could feel my legs weaken at the sight. Para akong paulit-ulit na sinasaksak habang nakatingin kay Phoebe na halos hindi na maigalaw ang katawan sa sobrang panghihina. Ang laki na rin ng ibinagsak ng katawan nito. Sobrang iba sa katawan nito noon.

I feel so helpless. Pakiramdam ko ay napakawalang kwenta ko dahil wala akong magawa para sa babaeng mahal ko. Kung pwede ko lang kunin ang lahat ng sakit ay ginawa ko na. Ayos nang ako na lang kaysa ang babaeng mahal ko.

"H-hey." Bati ni Phoebe nang makita ako. Pakiramdam ko ay nanubig na naman ang mga mata ko nang pilitin nitong ngumiti sa akin tulad ng dati.  Pinipilit nitong magmukhang masigla kahit alam kong nahihirapan ito.

"Hey, Love. Did you rest well? Magpagaling ka na para malakas ka na sa kasal natin." Malambing kong sabi habang lumalapit sa higaan niya tyaka ko buong pagsuyong inilagay ang kalahati ng kaniyang katawan sa akin para mayakap ko ito. Sa ganitong paraan mas nararamdaman ko na kasama ko si Phoebe. Na nandito siya sa tabi ko.

His Selfless Wife ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon