CHAPTER 2
Clyza Astelina Tyn 'Cat'
Athenians Beach Resort, Zambales
"CONGRATULATIONS NURSE CAT!"
Muling naghiyawan ang lahat ng lumipad ang cork ng champagne na binuksan ni Dok Hideo Canliagn. Lahat kami ay nagsisalin ng champange sa glass at sabay- sabay na nag cheers.
It's a total relaxation ang ganap dito sa beach resort nila Dok Hideo. Sila rin kasi ang may ari nito. Bale, two days and one night kami rito. Bukas ay uuwi rin kami at balik duty na sa mga susunod na araw.
Nung ibalita ko sa magulang ko ang pagkaka-promote ko as Head Nurse ay tuwang-tuwa sila maging ang best friend kong si Flynn. Kahit na alam kong napaka busy niya ay nagawa niya pa rin na sagutin ang tawag ko at natuwa siya sa magandang balita ko.
"I hope you'll be an inspiration and a role model for every Nurses in our hospital. Isa kang may integridad at masipag na Nurse."
Napangiti ako sa sinabi ni Dok Hideo. Hindi ko akalain na may bunga lahat ng pagod at hirap ko sa duty. Kahit naman na private ang HC Medical City ay may OPD na open para sa lahat at doon sa station na 'yon ay talagang sobrang toxic. Minsan nga umaabot pa ako ng 48 hours sa pag-duty sa station na 'yon.
In five years ko sa serbisyo na 'to hindi ko akalain na tatagal ako ng ganito at mapo-promote pa na maging Head Nurse. Sana naman ay hindi dagdag trabaho pero wala akong magagawa kung gano'n man.
"Thank you very much everyone. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na 'to. At ipinapangako ko na lalo kong pagbubutihan ang trabaho ko at ang paglilingkod ko para sa mga pasyente ng HC Medical City."
Nagpalakpakan silang lahat. Kaagad akong kumuha ng tissue bago pa tuluyang tumulo ang luha ko. Nakaka overwhelmed kasi talaga.
"Ano pang hinihintay natin? Party na uli!" sigaw ni Dok Maxwell. Natawa lamang kami sa kanya.
Nagtakbuhan ang ang iba pang kasama na Nurses sa dagat. Nagtampisaw na sila sa room. Hindi kasi kami nakapag swimming lahat kanina dahil pare-pareho kaming mga pagod sa duty at mga nagpahinga lamang sa kanya-kanya naming rooms.
Isa-isa kami ng room dito sa beach resort. Ang galing nga e, pakubo siya pero kapag sa loob ay para kang nasa isang studio type na condo unit. At totoo nga ang balita na napaka mahal sa resort na 'to. Nalula ako sa mga presyo ng cottages and amenities. Pero heto kami, libre na ginagamit ang beach resort na 'to.
"Hello? Marikah? Nasaan ka na?"
Napalingon ako kay Dok Hideo. Naalala ko na susunod pala si Nurse Marikah dahil hanggang mid shift siya. Nag-excused si Dok Hideo upang kausapin over the phone si Nurse Marikah. Sigurado naman ako na susunduin niya ito sa parking.
Itinungga ko na lamang ang laman ng champange glass.
"Nurse Cat! Halika na rito! Dali!"
Napatingin ako kay Nurse Mice. Napangiti ako dahil sabay pa sila ni Nurse Harmony na tinatawag ako.
"Oo heto na!" sigaw ko rin sa kanila.
I'm just wearing a cardigan. Naka rash guard swimwear lang ako. Pero exposed ang makinis, maputi, at mahahaba kong legs. Sana naman ay nandito si Best friend Flynn para naman mas komportable ako.
Nagtungo na sa'kin si Nurse Mice at Nurse Harmony.
"Halika na nga Nurse Cat." Kumapit sa isang braso ko si Nurse Harmony.
"Papagabi naman na, hindi ka na maaarawan." Sabi naman ni Nurse Mice na kinatawa ko.
"Hoy! Ikaw ha!" Lumapit ako sa taenga niya at may binulong. Gulat na gulat siya sa narinig mula binulong ko.
BINABASA MO ANG
The Doctor Series 3: Reaching You
RomanceCat Villanueva is the Headnurse of HC Medical City at nabuntis siya ng kinaiinisan at mortal enemy na Doktor. Ito ay si Rat Velaroza, isang OB-GYN. Ayaw sa kanya magpa-prenatal check-up ni Cat. Kaya ang ginawa niya ay pina-blacklist niya ito sa la...