Chapter 14

860 30 2

Yaz's POV

'Hindi ako nabubusoooog!"

dTT_TTb

Ikaw kaya ang mamadaliing kumain?! Medyo na-inis ako kay Kez! huhuhu...

Na-una na akong lumabas ng coffee shop dahil wala naman akong gagawin dun! Naglalakad na ako pabalik ng hospital.

'Doon nalang kaya ako sa canteen kakain?... Sige! sa canteen!'

May 20 minutes pa naman ako bago babalik sa trabaho. Nang maka pasok na ako sa hospital, I directly headed to the canteen and to my surprise, hindi ganoon karami ang mga tao dito.

Nag order muna ako tapos umupo sa bandang gitna kung saan hindi nalalayo sa entrance. Itong table ko nga ang unang makikita pag papasok ka sa canteen at nakatalikod ako sa entrance.

I ordered a bowl of salad and pineapple juice. I have to maintain my weight kasi at hindi naman ito gaano kahirap gawin. I'm already used to eating diet-ish foods that's why I'm fine with my meal today.

*TUG*

dO__Ob

Nagulat ako nang may maglagay ng tray sa mesa ko! Umangat ako ng tingin para tignan kung sino 'yon...

"Oh? Nurse Jake! Break mo 'rin?"

Ngumiti naman ito ng napaka-lapad at tumabi sa'kin.

"Oo eh. As I can see, break mo 'rin ata?"

Nakangiting tumango ako, "Mm. Kain tayo!"

Bumaling muli ako sa pagkain at gayon na'rin siya. Nagpatuloy naman akong kumain.

"Okay lang ba sa'yong nakiki-upo ako dito?" Tanong niya

Nilingon ko naman siya, "Syempre naman!"

Ngumiti naman siya, dahilan para sumingkit ang kaniyang mga mata, "Naku! Marami talagang maiinggit sa'kin dito!"

Tumawa naman ako, "Hahaha bakit naman?"

"You know, Nurse Yaz. Maraming male nurses na nangangarap makasama kang kumain, masyadong torpe nga lang sila. Buti nga't close---close tayo kaya nag boost ang confidence ko!"

Alinlangang tumawa naman ako sa sinabi niya, "a-ah b-ba't gusto nila akong makasama?"

Tumigil siya sa pag-kain, uminom muna ng tubig at lumingon sa'kin, yung tipong pati pang-ibabaw na katawan niya ay humarap din sa'kin. Tinuro niya naman ako gamit ang dalawang palad niya, "Look at you! Isang Zaimin Yaz Marchessa! Maganda, check! Matangkad, check! Talented, check! Hardworking, check! at higit sa lahat... sexy, check!"

Kumunot nag noo ko sa huling sinabi niya. Naiilang ako sa mga sinabi niya, lalo na yung pang-huli, "A-ah g-ganon ba? hehe" pumeke ako ng tawa

"At meron pa pala! Matalino, malaking check!... kaya lang may dumi sa mukha ngayon hahaha!"

Agad-agad akong na conscious sa sinabi niya! "H-huh?! nasaan?! Saan yung tissue?!"

Nakita ko yung tissue sa harap namin. Aabutin ko na sana 'yon nang mauna siyang kunin 'yon at walang sere-seremonyang pinunasan kaagad ang gilid ng labi ko. Laking gulat ko sa ginawa niya! Nakangiti pa siyang pinagmasdan ang ginagawa niya!

"U-uy k-kaya ko na 't-to eh!" Nauutal na sita ko!

Tumingin naman siya sa'king mga mata, "But I want to do it."

*TUGSH!*

dO__Ob

Sabay kaming napa-lingon ni Nurse Jake sa likod namin kung saan nanggaling yung ingay!

A Yazwell FanfictionRead this story for FREE!