CHAPTER 43: Madame

Depuis le début
                                    

Naiinis siya sa sarili niya dahil palagi nalang siyang umiiyak. Hindi niya magawang maging matapang ngunit nangako siya sa sarili niya na babawi siya. Taking control over Eris' ability is a huge stepping stone. Ang kailangan nalang niyang gawin ay mangolekta muna ng impormasyon at gumawa ng plano pagkatapos.

Pagkatapos maligo ay tahimik siyang lumabas ng kwarto, tiningnan niya muna kung may mga nagbabantay. Nakahinga siya ng malalim nung makita na walang tao sa labas. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa kanto at hindi malaman kung saan siya dapat dadaan.

"May problema po ba?" Malapit na  siyang mapasigaw nang makita si Evania na nasa likod niya. Agad naman niyang binalik ang kanyang pagpapanggap at malamig na tiningnan si Evania.

"Matagal na akong hindi nakakabalik dito. I just wanted to look around" tinaasan sya ng kilay ni Evania na siyang nakapagpakulo ng dugo niya.

Naku kung hindi lang ak nagpapanggap kanina ko pa dapat sinunog yang kilay mo!

"Dalhin mo ako kung nasaan ang katawan ng mga hari at reyna"

"Wala dito sa kasilya ang mga katawan nila" sagot ni Evania. Biglang nagdilim ang paningin ni Elafris at tiningnan ng masama si Evania.

"Don't you ever try to lie in front of my face again if you want to see tomorrow. Sa tingin mo ba hindi ko nararamdaman ang presensya nila?"

Biglang kinabahan si Evania at mabilis na humingi ng paumanhin.

Maybe she's not pretending after all. Alam niya na nandito ang mga katawan ng mga hari at reyna. Isip ni Evania. Agad niyang sinamahan si ELafris sa chamber kung saan nakalagay ang mga katawan ng hari at reyna

Nakahinga naman ng maluwag si Elafris, sa totoo lang ay hindi talaga niya nararamdaman ang presensya ng mga hari at reyna. Sinabi lang niya iyon dahil halatang nagsisinungaling si Evania buti nalang at totoo dahil kung talagang wala dun ang mga katawan ay baka nabuking na siya.

Bumaba sila sa isang madilim na hagdanan na tanging mga torch lang ang nakakapagbigay ilaw. tumigil sila sa kalagitnaan ng hagdan at tumingin si Elafris sa paligid ngunit wala siyang nakitang kahit na anong pintuan.

Biglang inangat ni Evania ang kanyang kamay at inilapag ito sa pader, nagkaroon ng mga di maintindihang simbolo at naging pintuan ang pader. Pumasok si Evania kaya agad namang sumunod si Elafris.

Lumalakas ang pintig ng puso ni Elafris dahil pagkatapos ng mahabang panahon ay makikita niya muli ang mga hari at reyna. Dumaan muli sila sa maalikabok at madilim na hallway at sa katapusan ng hallway ay bumungad sa kanila ang napakalaking kwarto. 

Wala itong bintana at mga torch lang din ang nagbibigay ng ilaw ngunit mas maliwanag ang mga torch dito kumpara sa mga hallway na dinaanan nila kanina. Bumungad din sa kanila ang mga higanteng crystals na nakapalibot sa bilog na kwarto.

Nagtaka si Elafris kung para saan ito pero nung nasa gitna na siya ay nagulat siya sa kanyang nakita. Ang mga katawan ng hari at reyna ay nasa loob ng tig-iisang malalaking crystal. 

"Bakit mukhang gulat na gulat ka? Madame Eris?" nangungutyang tanong ni Evania sa kanya. Agad na bumalik si Elafris sa katotohanan at tiningnan ng masama si Evania.

"Sigurado ba kayong hindi na sila magigising?" tanong ni Elafris. Agad na nakibit kabikat si Evania.

"Ewan. Deux prepared the spell of eternal sleep solely for this matter at sigurado akong wala na siyang nagawang reverse spell dahil nagpakamatay na siya pagkatapos traydorin si Madame at inilagay ang kalahati nga kapangyarihan niya sa loob ng babaeng yan" Naglakad-lakad si Evania palibot ng mga crystals. 

SAFIARA ACADEMY 2: DESTINY'S CHOICEOù les histoires vivent. Découvrez maintenant