CHAPTER 10

106 6 2


"Anong oras na Cassandra Rane Chan?"agad akong napa ayos ng tayo ng marinig ang mariin at baritonong boses ni kuya, sinasabi ko na nga ba hindi ako makakaligtas




"Alas dose?hehe"alanganing sagot ko habang may pilit na ngiti ako humarap sa kaniya at halos mapa atras ako ng makita ang masama niyang tingin dahil sa pamimilosopo ko, patay tayo dyan!




"Cassandra!"sigaw niya kaya halos mapatalon ako sa gulat at bigla nalang nangilid ang aking luha, nakakatakot magalit si kuya kaya minsan lahat ng sinasabi niya ginagawa ko dahil ayokong nakikita na galit siya pero eto nanaman




"Kuya nagkasiyahan lang naman kami ng mga kaibigan ko tsaka naiwan ko din yung cellphone ko sa kwarto sorry"nakayukong paliwanag ko habang mahinang nahikbi, nakakanginig kaya ng laman



Narinig ko naman na bumuntong hininga siya at lumapit sakin para yakapin ako kaya lalo akong napaiyak




"S-sorry t-talaga kuya hi-hindi na po m-mauulit"humihikbi hikbing paumanhin ko at naramdaman ko namang hinaplos niya ang buhok ko




"Hushh sorry sa pagsigaw lil'sis nag aalala lang si kuya kasi gabi ka na umuwi, ayoko ko lang na mapahamak ka"malumalay na sabi niya kaya yinakap ko siya ng mahigpit, tama si kuya kapakanan ko ang iniisip niya kaya nagagalit sakin, napaka swerte ko talaga kay kuya lucas kaya mahal na mahal ko to eh ang swerte ko dahil nagkaroon ako ng kuya na katulad niya




"Naiintindihan ko po"parang batang sagot ko habang nakasiksik yung mukha sa dibdib niya, ang bango talaga ni kuya hehe




"Lil'sis wag mong sisingahan si kuya ha"agad akong napahiwalay sa kaniya at pinukol siya ng masamang tingin habang malakas naman siyang tumawa at niyakap ulit ako



"Sabihin mo sakin kapag sinaktan ka nung nathan na yun ha?"naging seryoso na ang boses ni kuya lucas kaya sigurado akong alam na niya ang tungkol samin ni nathan, si kuya pa ang dami kayang connection niyan kaya tumango nalang ako sa kaniya




"Oh sige na, magpahinga ka na may pasok pa kayo bukas"ginulo niya ang buhok ko at hinalikan ako sa noo "good night princess" dagdag ni kuya ng nasa tapat na ako ng pinto ng kwarto



"Goodnight din kuya lucas"paalam ko bago isara yung pinto, nag half bath naman ako bago humiga sa kama at pipikit na sana ng tumunog yung cellphone ko na nasa side table lang pala at ng makitang si nathan ang tinatawag ay bumilis agad ang tibok ng puso ko, hayy lakas talaga ng epekto nito sakin



"Hello pa?"sagot ko sa tawag



[Pinagalitan ka ba ma?]tanong agad niya nang may pag aalala




"Si kuya oo kasi naabutan niya ako pero wag kang mag alala kasi okay na kami"paniniguro ko habang nakatingin sa kisame




[Buti naman,sige na tumawag lang ako para kamustahin ka tsaka namimiss narin kita]malambing na saad niya kaya agad akong kinilig




"Miss agad? Eh magkasama tayo maghapon ah?"pigil ang ngiting tanong ko




[Ganun talaga mahal kita eh]agad na banat niya kaya natigilan ako, hindi kasi ako sanay na ganyan siya kasweet i mean sweet naman siya noon pa pero iba na to kasi boyfriend ko na siya




"Mahal din kita"nangingiting sambit ko




[Hayy ang sarap pakinggan, isa pa nga]utos niya




LEGENDARY GANGSTER NERDBasahin ang storyang ito ng LIBRE!