Chapter 13

969 29 3

Max's POV

Masamang tumitig ako kay Maxwell, napansin niya naman ako at ngumisi lang ito at nagpatuloy na kumain!

d-_-b

Sinususpekta ko itong si Yaz at Hyung. I've noticed a lot of changes between them. Parang... napansin na ni Maxwell si Yaz?

dO__Ob
d-_-b

'Tss... you owe me an explanation, Maxwell Laurent'

"Humh! Babe, ano iniisip mo?" bulong ni Deib. Hindi ko naman ito pinansin at nagpatuloy na kumain.

Napansin ko naman itong katabi kong si Naih na umiling na nakatingin sa kawalan. Napansin niya namang nakatitig ako sa kaniya kaya tinaasan ako ng kilay nito, "Tinitingin mo?"

"Mukha kang baliw"

"A-anak ng-- Oy! Anong baliw?!"

d-_-b

Hindi ko naman ito sinagot at nagpautloy na kumain. Napansin ko namang hindi parin ito mapakali at nakatikom ang bibig, hindi normal para sa isang Naih ang hindi umimik!

Napansin ko ang paglipat-lipat tingin niya kay Yaz na nasa bar island at kay Maxwell na kasama namin ngayon sa hapag-kainan.

'Napansin 'din pala niya'

Ako nanaman ang tumatango-tango ngayon at nag-lipat lipat ng tingin sa dalawang misteryosong tao.

"Sino ngayon ang baliw?" Bulong ni Naih kaya binigyan ko ito ng masamang tingin, "Na pansin mo 'rin no?"

"Mmm."

"'Yaaan! Pag-usapan natin 'to mamaya"

"What's there to talk about?"

Binigyan ako nito ng na-bobohan na ekspresyon, "Duh! About dito--ano ka ba, Max?!"

Inirapan ko lang ito at nagpatuloy na kumain. Sinubuan ko si Deib habang inalalayan pa niya si Thaddeaus na nag-aral nang kumain ng kanin. Matapos kaming kumain ay nagdesisyon ang aking mag-ama na pumunta muna sa itaas kaya naiwan ako dito sa tabi ng madaldal naming ibon,

"Anong napansin mo kina Ate at Maxwell?" Pabulong ngunit malakas parin ang boses na tanong ni Naih

"Marami" Simpleng sagot ko

"Anong marami ba?"

"Mga ganun-ganun lang"

"Anong ganun-ganun?!" Naiirita niyang tanong

"Magkasama, ganun"

"Wala ka talagang kwentang kausap!" Singhal niya sa mukha ko kaya binigyan ko ito ng masamang tingin, "Seryoso, Max anong napansin mo? Kasi ako, marami!"

"Edi ikaw mag kwento"

Bumuntong hininga siya at marahang lumapit sa'kin, "Ang una kong napansin ay yung araw na FIRST TIME mag absent si Maxwell"

Tumango lang ako, mas nilakasan pa nito ang buntong hininga at diretsong tumingin sa aking mga mata

"Sa umagang 'yon. Nakatayo ako sa labas ng pinto ni Maxwell na bitbit si Spaun, dahil alam mo namang madalas ako ang nagbabantay kay Spaun sa ugmaga kasi--"

"Can't you just get to the point right away?" Inis kong tanong sa kaniya! Kwento-kwento pa kasi bago sabihin ang punto!

"Lumabas si Ate sa kwarto ni Maxwell ng UMAGANG 'yon"

A Yazwell FanfictionRead this story for FREE!