Nine

39 1 0
                                    

Mag-isang buwan na simula ng sagutin nya si Jeeno. Walang humpay sa ka-sweetang taglay ang binata. Alam na rin ng parents nya ito ang boyfriend nya. Palagi rin ito sa bahay nila at walang humpay makipag-kwentuhan sa Papa nya. Naibalita na rin nya kay Jena ang pagiging magboyfriend/girlfriend thing nila. At tulad ni Elis ay tuwang-tuwa rin ito. Palagi rin itong nakabuntot kahit saan sya magpunta, shopping man o kung saan lalo na 'pag wala itong klase. Palagi nakaabang sa kanya paglabas ng campus katulad ng hapong iyon. Kaya naman pala nauna na sa kanya si Elis. Pinagtitinginan ito ng mga tao, agaw pansin naman kasi ang porma nitong nakasandal pa sa kotse na nakashades pa. Nagpapa-cute talaga. Inalis nito ang shades at ngumiti ng makita sya tapos sinalubong sya, may dalang pumpon ng bulaklak at chocolates, heart shape at isang malaking Dolphin stuff toy na alam nitong paboritong-paborito nya. Iniabot nito sa kanya saka hinalikan sya sa pisngi. Teka, anong date ba ngayon?

Maya-maya ay may mga nagliparan na balloons, may tarpo na HAPPY 1ST MONTHSARY HON! Naiyak na naman sya sa mga ginagawa nito sa kanya. Sobrang na-appreciate nya ang mga ganung gestures nito. Habang tumatagal pakiramdam nya lumalalim din ang nararamdaman nya para rito.

"Oh, bakit umiiyak ang hon ko?" tapos niyakap sya nito. "Happy Monthsary, Hon."

Suminghot sya. "Nakakainis ka naman e. Hindi naman ako ready, wala pa akong gift para sa'yo. Punta pa lang akong mall e." utas nya. 

Natawa ito. Inalis ang yakap sa kanya. "No need, hon. Ikaw palang sapat na." saka pinisil nito ang pisngi nya.

"Pero andami mo nang nabigay saken e. Ako nga wala pa kahit isa." pinunasan nito ang mukha nya pati ilong nya na sinisipon at namamawis pa.

"Date mo 'ko tonight." nakangiting sabi nito.

Umingos sya rito. "Sigurado 'ko reservation mo yun e."

Humalakhak ito sa kanya. Napatingin sya sa paligid. Bahagyang nag-init ang pisngi nya sa hiya kaya napatungo sya. "Lika na, hon. Pinagtitinginan tayo oh, nakakahiya." tapos kinaladkad na nya ito papunta sa kotse.

Bago pumasok ay bahagya itong yumukod sa mga nandoon at nagpasalamat. Ang lapad ng ngiti! Sabihin ba namang tapos na raw ang show. My God! Wala talagang kahihiyan sa katawan ang taong 'to. Nang makapasok ito sa driver seat ay bahagyang tumawa ng makitang ang sama ng tingin nya rito. Gets na nito 'yon! Inihatid lang sya nito sa bahay para magbihis. Isang simpleng dress lang naman ang sinuot nya at saka simpleng doll shoes lang din. Hinalikan sya nito sa noo bago nagpaalam na sa parents nila.

"Ingatan mo yang Prinsesa ko huh, Jeeno." pahabol ng Papa nya.

"Of course, I will Tito.." nakangiting kumaway ito sa Mama't Papa nya.

Sa isang class restaurant sya dinala nito. Marami-rami din ang couple na nandon. Naupo sila at ito na rin ang nag-order ng pagkain nila. Napabuntong-hininga sya. Ang saya-saya nito, halatang-halata sa mukha nito. Minsan lang nagdadalawang-isip pa rin sya. Hindi nya maibigay ng buo ang puso nya para rito. At natatakot sya. Ayaw nyang makasakit.

"Try mo 'to. hon.." tapos inilagay nito ang sariling spoon sa tapat ng bibig nya. Tinanggap naman nya. Tapos na sila magdinner at yung favorite dessert naman nila ang nilalantakan nila. Salad Ice cream.

"Well, well! look who's here.." napatingin sya sa gilid nila. May isang babae doon at may kasama pang dalawa, mukhang magkakaibigan.

*********************************************

Sh*t! Napatiim-bagang si Jeeno. He didn't expect that it would happen, sa dinami-rami naman ng araw, ba't ngayon pa. Tinamaan ka naman ng lintek naman talaga.

"May problema ba?" tanong ni Mikai. Tumayo sya.

"Wag ka mag-eskandalo rito, Grace." bulong nya rito. Tumalim ang mga mata nito bago binalingan si Mikai.

My Rebound BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon