Paid Stories Badge Paid Story
Mayroong 2 pang mga libreng bahagi

Part 2

5K 74 5

ANG mga miyembro ng committee ay iisa lang ang circle of friends. Sila-sila lang din ang magkakasama noong hilaw pa ang mga beauty nila. Kasama sa kasayahan, kabaklaan, at kalandian.

Simula noon ay hilig na ni Blessie ang basketball, nagdalaga siya sa loob ng court. Nasasabik siyang panoorin kung paano gumalaw ang mga manlalaro lalo kapag parehong magagaling ang team na naglalaban. Sa court, ang mga pangit, nagiging pogi, 'pag dumada-moves na sa ring. Kaya masarap sa tainga ang mga tilian at murahan ng mga nanonood. Dahil lagi siyang present sa tuwing may laro sa kanila, siya ang kauna-unahang cheer leader ng Niceville Wild Doves team in history.

"Ate Blessie!" napalingon si Blessie mula sa pagkikipag-usap sa taong gumagawa ng sound system.

"O, Nicolai."

"Kanina pa kita hinahanap. Tinatawag kana ni mommy, gawa na daw ang mangofloat. Pumunta ka na daw sa bahay bago pa maubos iyon."

"Ah sige, ahm manong pakiready nalang po ah. Magsisimula napo ang parlor games maya-maya. Alis muna ako sandali, babalik po ako."

"O sige, no problem." Usal ng lalaki na sinabayan ng thumbs up.

Sinulyapan ni Blessie ang relo sa kamay. 'Alas onse na pala.' Since makikikain siya ng ever favorite niyang mango float sa kabilang bahay, makiki-avail nalang din siya ng pananghalian.

Apat na kanto lang mula sa covered court ang layo ng bahay nina Nicolai kaya ilang sandali pa ay narating na nila.

"Viva, Pit Senyor!" taas ang kamay niyang bati sa sandaling nakapasok siya sa pintuan ng mga ito. Nakaupo ang mag-amang Bernard at Lorenzo sa sofa. Pinagsasaluhan nito ang isang bote ng Black Label at plato ng calamares habang nagkakatuwaan sa paglalaro ng baraha.

Si Lorenzo. Ang panganay sa magkakapatid na de Chavez. Dalawampung-walong taon at isang bangkero. Ito ang tipong magpapaparty siya kung mariringgan niyang bumunghalit ng tawa. Medyo strikto pero okey naman sila.

"Pit Senyor!" ganti ng mabait niyang Tito Bernard. "Halika pasok ka." Habang si Lorenzo naman ay kumaway sa kanya. "Mang, andito na si Blessie!" tawag nito sa asawa. "Puntahan mo dun sa kusina ang Tita mo."

"Blessie, halika na. Kumain kana dito. Sabayan mo na si ate Blessie mo, Nicolai." Ang magandang babae na ito ay ang paborito niyang Tita Maggie. Napakamalambing nito sa kanya at dahil puro lalaking chopopo lang ang naafford ng matres, kaya itinuring na siya nitong parang unica hija.

"Oliver," ang pangatlo sa magkakapatid. "Haluin mo muna itong sauce, nak. May kukunin lang ako sa ref."

Graduate ng culinary si Oliver kaya ito ang kadalasan na kaagapay ni Maggie sa tuwing may handaan. Ahead ito sa kanya ng isang taon ngunit dahil iba ang trip nito sa buhay kaya hindi masyadong nagmerge sa grupo nila.

Si Nicolai naman ang bunso ng pamilya, labing limang taon, nasa grade nine na at classmate ng maldita niyang kapatid.

"Blessie, itinabi ko ang parte mo." Tukoy ni Maggie sa mangofloat. "Dahil kung hindi, wala ka nang maaabutan kahit kapiranggot niyan, tikman mo." Kumuha ito ng kutsara at humiwa ng kapiraso mula sa Tupperware.

Inabot niya ang kutsarang hawak ni Tita Maggie at tinikman ang mangofloat.

"Masarap ba?"

"Hmmn, one and only walang kupas, Tita."

"Ma!" magkasabay sila ni Rosario na napalingon sa entrada ng kusina. "Nakita mo ba iyong pulang Jordan ko na sapatos sa cabinet?"

And the last but absolutely not the least, si Sebastian. A.k.a Seb. Ang pangalawa sa mga de Chavez. Ito lang naman ang nagtataglay ng pinakamaraming contribution ng teenage memories ni Blessie, kaayaya man o hindi. Sa dami niyon ay nag-overload na ang utak niya at kinalimutan ang iba. But since nandito tayo para sa kanyang kwento kaya sisimulan natin sa una.

Once Upon A Neighbour (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon