Chapter 10

810 30 1

Maxwell's POV

While walking down the hallway, I heard voices. Binagal ko naman ang pag lakad ko. Na'sa pa-left na side sila ng hallway kung saan ako dadaan maya-maya

"Oo nga eh! 'yun ang sabi n'ya!"

"Eeeh! Mas maganda pa ako dun!"

"Ewan ko sa'yo, beh! Parang na'sa kanya na ang lahat! Height, beauty, body, and brain! Cum Laude daw 'yon!"

"Talaga?! Talo na tayo! Kaya pala ganoon sila ka close ni Doc Maxwell?!"

'The heck?! ba't na sali ako?"

"Ewan! ewan ko! At isa pa! Sinilip daw niya kanina ang office ni Doc Maxwell at nakita niya silang dalawa sa loob"

"Ano daw ginawa nila don?!"

"Hindi daw siya sure pero nag lagay daw ng cold compress yung nurse!"

"Nalilito talaga ako! Sabi kasi ni Doc Keziah sa'kin na ang sweet daw ni Doc Maxwell sa kaniya! Tapos ngayon... ewan!"

'Keziah?'

"Same! At ngayon, nagiging espiya na siya nung nars at kay Doc!"

"Oo nga. Pero yung kanina sa lobby talaga, sayang talagang hindi mo 'yun nakita. Parang galit si Doc sa Nurse that time! May pa hawak-braso scene pa!"

"Oo nga eh, sayang!"

"Ngayon ko pa nga lang siya nakitang gano'n sa ibang tao maliban sa mga kapatid niya!"

Napa-iling naman ako nang mapansin ko ang ginawa ko

'What on earth am I doing? Na-hawa na ata ako sa pagiging chismoso ni Deib!"

Nagpatuloy lang ako sa paglakad hanggat sa mag left turn na ako kung nasaan yung dalawang babaeng nag-uusap.

Gulat na tumingin sa'kin ang dalawang nurse habang nagpatuloy lang ako sa pag-lakad. Mukhang mga bagong nurses ito dahil ngayon ko pa lang sila nakita dito.

'Sinabi ni Kez sa kanila na sweet ako sa kaniya? the hell'

I think those were the times noong bumalik kami sa Pilipinas after 5 years, yung sa palawan, birthday ni Tob, at hindi ko na matatandaan yung iba pa.

'Wala lang naman sa'kin 'yon. At saka, natutuwa lang akong gawin 'yon dahil nakaka-tuwang inisin si Yaz. To be honest, I enjoy teasing her'

Napa ngisi naman ako nang pumasok sa isip ko ang naiirita at nagagalit na itsura niya.

"Ibang hospital ata pinasok mo, Doc." Biglang nagsalita si...

YAZ!

d-_-b

"Wala dito ang mental." natatawang aniya. "Buti pa kung mag isa, ngumingiti pero kung nasa harapan ko ay parang walang buhay" Bulong niya pero rinig ko parin!

Tinapunan ko lang siya ng masamang tingin at nagpatuloy sa pag lakad. Babalik na ako ng office...

"Hoy, salamat sa remembrance ah? Hanep. May feelings pang kasama!"

Kunot-noo ko siyang nilingon at tinaasan ng isang kilay "Remembrance? feelings? The hell are you talking about?"

Tinaas niya naman ang namamaga niyang braso, "Maganda, kulay violet, at masakit. Nasaktan feelings ko para sa maganda kong kutis." sarkastiko niyang sabi habang inobserbahan ang sugat

Lumala pa ang pag-bayolet nito

'Ganyan ba talaga ako ka lakas?'

"Tsh. It's not my fault if hindi ka nag ingat"

A Yazwell FanfictionRead this story for FREE!