Chapter 4

416 12 0
                                    

Isang linggo na ang lumipas simula ng lumipat kami dito sa zambales.

Wala parin akong kaibigan, sila mommy at daddy naman masyadong bussy sa business nila sa bayan.

Papasok ako ng school wala na sila, darating ako wala parin sila. Gabi na sila kung dumating, tulog nako pag nasa bahay na sila. Minsan nagigising ako pag dumarating sila pero hindi na ako bumabangon dahil alam ko na pupuntahan nila ako para halikan sa noo tulad ng ginagawa nila nung mga nakaraang araw.

Pinaka ayokong araw ang sabado kasi wala akong klase mag isa lamang ako sa bahay kaya naman pumupunta nalang ako sa ilog at duon mag papa-ubos ng oras.

Hindi ko akalain na ang pinaka ayokong araw ay syang magiging paborito kong araw.

Naka upo ako nun sa ilalim ng puno na nakatayo sa gilid ng ilog ng may narinig akong yapak ng paa na patungo sa akin...

"Hi!"

Tinig ng babae ang narinig ko, hindi ako humarap sakanya nagpatuloy akong masdan amg daloy ng tubig sa ilog.

"Huy ang sungit mo naman"

Hindi ko parin sya pinansin.

Naramdaman kong naglakad sya papalapit sa akin at umupo sa gilid ko.

"Bakit malungkot ka? Ayaw mo ba dito sa lugar namin?"

Napatingin ako sa kanya at nagtama ang aming mga mata. Hindi agad ako sumagot binalik ko ang aking paningin sa tubig ng ilog, hindi sya nagsalita naramdaman ko ang pag hinga nya ng malalim..

"Namimiss ko na kasi yung mga kaibigan ko, namimiss ko na yung dati naming bahay" sabi ko.

Tumingin sya sa akin.

"Pwede ka naman magkaroon ng kaibigan dito eh, ako pwede mo 'kong maging kaibigan"

Tumingin ako sa kanya na may alin langan dahil siguro wala pa'kong nagiging kaibigan na babae.

"Pwede tayong maglaro ng basketball, o kaya tumakbo, o kaya mag bike tayo sa gilid ng ilog, ano?" Sabi nya.

"Siguro..." sagot ko

"Ano? How does it sounds? Nga pala ako si Jacky. Jacky Rosales." Inabot nya sakin ang kanyang kamay.

"Brent, Brent Miller" sagot ko.

Kinuha nya ang aking mga kamay at nag hand shake kami.

Nag aalinlangan ako na maging kaibigan sya dahil isa syang babae. Iba ang hilig nya sa hilig ko, iba ang gusto nyang gawin sa gusto kong gawin...

Hanggang lumipas ang mga araw, linggo at b'wan di ko namalayan ang araw dahil kay Jacky.

Hindi ko naramdaman na mag kaiba kami. Pag naglalaro ako ng basketball, andyan sya. Nagpaturo pa sya mag basketball sakin para lang maka keep-up sya sa akin. Nung bumili ako ng bike, bumili rin sya lagi kaming nag uunahan kung sino mas mabilis sa amin mag bike syempre ako lagi ang nananalo pati sa basketball.

Sa sobrang saya ko hindi ko namalayang isang taon na pala ang lumipas. Hindi ko rin namalayan kung kailan nag simula o kailan ko naramdaman 'tong pakiramdam na to. Unti unti ng nahuhulog ang loob ko sa best friend ko... oo tama nga inlove ako sa kaibigan ko.

Until my dying dayWhere stories live. Discover now