A/N: sigurado na ba kayo? gusto nyo talaga basahin to?,, again if you find it offensive at ayaw sa mga gantong girl problems ok lang pwede na kayong mag hanap ng ibang story,, anyway kung gusto nyo naman,, then go ahead, please enjoy, DONT VOTE UNLESS YOU LIKE IT. para alam ko kung worth to write ba to, tenkyuu ^___^

Intro.

Papa,

Kelan kaba uuwi? hindi naman nagana yung pampapayat na pinadala mo eh, mataba parin ako. Ayokong mag pa lypo masakit un TT^TT. Kanina may nag wiwwit sa school nung dumaan ako. Kala ko ako yung sinisipulan nila, si Rina pala, Buti nalang di ako lumingon baka sabihin feeler ako.

ps. joke lang lumingon ako, nabunggo ko tuloy yung Lance, muntik ng mapirat nung madaganan ko.

~~~~~~~~~~~//////~~~~~~~~~~~~~~~~~~~////~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~/////~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chapter one

155 POUNDS.

Nanlumo ako at napaupo sa kobeta. Haiisst anu ba yan! nadagdagan nanaman! Nakakainis kasi si Mama ang sarap mag luto eh. Mag dadiet na talaga ako bukas.

Lumabas na ako ng banyo at babalik na sana sa pag hilata ng may kumatok na tyanak.

"Hoy ano ba ate Beth! kaya ka nagiging dambuhala hilata ka ng hilata!" shet eto nanamang si Tintin ang 6 years old kong kapatid na akala mo na manang ang sumapi. Ang kulet naman ng lahi ng bata to sabi ko ng wag akong tawaging Beth eh! "Ano hindi ka pa lalabas dyan?" nag patuloy sya sa pag bulabog ng pinto ko.

"Oo eto na lola!" Wala narin naman akong nagawa at lumabas na ng kwarto ko.

"Lika na umpisahan na natin ang pag papayat mo" utos nito habang inaayos yung head band nya. Pinag masdan ko yung damit nya. Sando at short na pang jogging. Wow ready na talaga?

"Bukas na tin, bukas kasi yung plano kong mag diet eh" tumaas yung kanang kilay nya.

"Sinabi mo narin yan kahapon eh! nung makalawang buwan mo pa sinasabi yan! hirap sa inyo wala kayong disiplina" Tong tyanak talagang to kahit kelan parang lola makapag salita.

"Bukas nga! bukas! may pasok pa ako mamaya! saka mapapagod ako, kakakain ko lang!" sigaw ko at bumalik na sa kwarto ko para maligo. Maka-alis na nga ng maaga.

**sa school**

Shete mallate na ako!! waahhh kailangan kong tumakbo.

"Whoaw,, nalindol!" nilingon ko si Arvin

"Wag ka ngang magulo malalate na ako Arvin!" kung hindi ko lang to kaibigan sinapak ko nato.

"Wag ka na tumakbo absent si mam ngayon wala tayong first period."

"Talaga!!! YESS!! buti naman hindi ko rin ginawa yung thesis essey ko eh" nakalimutan ko kasi,, masyado akong na wil sa panonood ng city hunter ang gwapo kasi ni Lee Minho eeh!! pero syepre atin atin lang yun,, Hindi ko na sasabihin kay Arvin aasarin nanaman nya ako eh.

Kababa to ko yan si Arvin parehas kaming 1st year college sa San Mateo kasama narin si Sheila. Bestfriend ko. Ang kinukuha namin ni Arvin ay culinary arts habang tourism naman si Sheila.

"Bakit hindi mo ginawa?,, busy kaka halungkat sa refrigerator nyo?" anak ng tipaklong kanina pa to ah umagang umaga sisira araw ko. And wait pa no nya nalaman yun?

Nanonood ako habang kumakain,, masarap kasi manuod habng kumakain eh,, pero as if naman na aaminin ko yun diba?

"Tumahimik ka na nga dyan Arvin nakakasakit kana ah! masama bang mag pakasarap ako sa buhay ko?! sapakin na kita dyan eh!" pag tapos kong sigawan sya ay umirap ako tas nag lakad na papasok ng building habang naramdaman kong sumunod naman sya. pero tumatawa.

Pag ako pumayat humanda kayo!(on going)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!