PAG AKO PUMAYAT HUMANDA KAYO!

WRITTEN: kRISTINA JUAREZ

~~~///~~~~ ILUVSIOPAO1114 ALL RIGHTS RESERVE~~~~~////~~~

Prologue.

Marami akong problema...

Unang una duon ay pagiging babae.

Ang pagiging isang babae para sakin ay kailangan sa buhay ang pagiging maganda.

Kung hindi ka maganda, dapat mabait ka o kaya matalino,

Nakakainggit ang mga lalakI

dahil kapag ang lalaki, kahit pangit, tatanggapin ito ng mga babae.

Kahit na tatanga-tanga, kahit na masama ang ugali, may kinalalagyan pa rin sila sa mundo.

Ang pagiging mataba ang number one problema ko.

Hindi ako makatakbo ng hindi hinihingal pagtapos ng 2 mins lang.

Hindi ako makakain ng marami sa harap ng iba. Feeling ko kasi tinitingnan nila kung gano pa karami ang kakasya sa tyan ko.

Isa sa problema ko ay pag kainggit sa mga payat na babae.

Yung mga ibang babae na ang dami dami nilang kinakain.

Pero ang payat parin nila.

Bat ganun?! ang daya daya??? TT^TT

......

Sabi nila ang tanging pangarap daw ng mga babae ay ang mahanap ang lalaking pakakasalanan nito.

Pero dyan kayo nag kakamali!

Dahil para sakin, ang kaligayan ng mga babae ay yung hindi tumataba kahit gano pa karami ang kainin!

Pero ok lang...

Magiging seksi rin ako.

Hindi nyo na ako aasarin.

Or tatawaging taba, baboy, or sasabihin "Uy nalindol!" pag tumatakbo ako.

Humanda talaga kayo pag nag ging payat ako.

Maiingit kayo sa ganda ko!

***

(A/N) eto ang storya ng walang plot, ginawa ko lang to dahil akoy nag dadiet hahahahaa!!  

Anyway wala akong intensyon na mag patama ng kapwa or anoman, kung ayaw sa ganitong girl problems you may click the exit and find something different. no hard feelings. :) 

Mag Vote or comment kung nagustuhan nyo kung ayaw ok lang, im still happy to continue this nonsense of mine hahah!

******

Copyright © 2013 iluvsiopao1114 Stories.

All Rights Reserved. No parts of these may be reproduced or trnsmitted by any means. Please no plagarism and owning these story. Thank You.

Pag ako pumayat humanda kayo!(on going)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!