Kabanata 8

129 27 1
                                    

Magkasabay naming tinungo ang mansion ni Harold, ramdam ko ang pamumula ng mukha nito, hindi ko tuloy mapigilan ang sarili na mapangiti rito.

"April, pasensiya ka na talaga sa mga iyon", maya-maya ay sabi nito sa akin na napakamot pa ito sa batok, ni hindi man lang ito makatingin sa akin ng diretso.

"Okay lang, huwag mo ng alalahanin iyon." sagot ko naman rito, na ang tingin ay nasa tinatahak naming daanan.

Pagkarating agad namin sa loob ay pinasunod ko lang ito sa akin. Kumunot pa ang noo nito ng makita ang hagdan na nandoon.

"Single pole pala ito April, wala ba iyong hagdan na extension ladder?"tanong nito sa akin.

"Meron naman, sandali kukunin ko lang," saad ko rito, pero bago pa man ako tuluyang umalis pinigilan na ako nito sa aking braso.

"Ako na!" medyo napalakas nito ang pagkakasabi. Napangisi tuloy ako sa tinuran nito.

"Ikaw bahala," tugon ko naman, at napansin ko ang kamay nitong nasa brsao ko pa.

Napansin naman ito niyon at nagmamadali nitong tinanggal ang mga kamay na nakahawak sa aking mga braso. At muli ay napangisi kami kapwa.  Nakita ko kung paano nagningning ang mga mata ni Harold.

"Sorry!" mabilis na saad nito.

"Naku! Okay lang" sagot ko, at tuluyan na itong tumalikod sa akin para kunin ang extension ladder na sinasabi nito.

Nangingiti ko pa itong sinundan ng tingin. Nang biglang nakarinig ako ng tila malalakas na yabag mula sa likuran ko. Napalingon naman ako na may ngiti sa labi rito.

Nang tuluyan na akong mapalingon, ang madilim na aura ni Clark ang tumambad sa akin, salubong ang mga kilay nito. Napayuko ako at napakagat ako sa pang-ibabang labi, at mula sa aking likod, nilaro-laro ko ang aking mga daliri.

"Sir, may nakita na po akong magtatanggal sa mga kurtina." kalmadong sabi ko rito, ngunit hindi ako nito sinagot, bagkos ay diretso lang itong umakyat sa hagdan na single pole.

Nagtataka naman ako sa ginagawa nito, napalunok ako at medyo napasinghap.

"Sir, mag-iingat ho kayo, pero nandito na naman po si Harold". Habol ko rito.

"I've changed my mind!"medyo iritadong sagot nito, nag-aalala naman ako rito, kaya naisipan kong hawakan ang ladder.

Narinig ko ang tunog ng extension ladder, at ang mga yabag na papalapit rin sa amin. Alam kong si Harold na iyon, kaya naisipan kong lumingon rito at sumenyas ako rito, gamit ang aking mga tingin na doon siya sa kabila. Medyo nagulat pa ito nang makita nito si sir Clark.

Nagpatuloy na lamang ito sa kabilang bintana. Nang tuluyan na itong matanggal ni Sir Clark, bastang tinapon na lamang nito ang natanggal na kurtina.

Bakas parin sa mukha nito ang pagka-irita, huminga muna ako ng malalim bago dinampot ang kurtinang nasa sahig na itinapon nito.

Pansin kong bumaba ito mula sa single pole ladder, at inayos nito ang damit na soot na medyo nalagyan ng alikabok. At napasulyap ito sa akin, napayuko naman ako.

"Follow me, may ipapagawa ako sayo" Utos nito at iniwan nito ang ladder na nandoon, para naman akong tuod na sumunod na lamang rito.

Napalingon akong muli kay Harold, at sumenyas ulit rito, napatango na lamang ito sa akin. Dahil sa nakatingin ako kay Harold hindi ko inaasahang mabangga ako sa matigas na malambot na bagay.

"Are you blind!" asik ni Clark sa akin, nagulat naman ako roon, at muli ay napayuko.

"Sorry po". Hinging paumanhin ko rito.

"Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan, do you like that guy?! Diretsang tanong nito sa akin, pero sa mahina lang na boses. Napaangat naman ang tingin ko rito.

"Hindi po, magkaibigan lang po kami" sagot ko rito na medyo kinakabahan.

"Tsk! Clean the pool, maliligo kami ng mga kaibigan ko mamaya!" galit nitong saad at mabilis ang kilos nito na tumalikod sa akin.

Napangiwi naman ako, naku po, ang laki kaya ng pool niyo, how can I clean it kung ako lang mag-isa? Reklamo ng isipan ko. Napahugot ako ng malalim na hininga at napasimangot.

Naisipan ko nalang na puntahan si Aling Nena, mukhang tinopak na naman ang aming amo, minsan okay, maya-maya nalang ay para na naman itong masungit. Gosh!! Maloloka ako!!

Pumunta ako sa may dinning room, alam kong nandoon ito ngayon, at nang makarating ako ay nandoon nga ito, busy ito sa pagluluto, saka ko lang naaalala ang sinabi ni Clark.

Alam kong narinig nito ang mga yabag ko, at napalingon ito sa gawi ko, "Oh April ikaw pala, ano sadya mo iha?"tanong nito at ibinaling ang tingin sa niluluto nito.

"Aling Nena, si sir Clark po kasi, inuutusan akong maglinis ng pool, eh—ang lawak-lawak po ng pool, hindi ko po iyon makakaya ng mag-isa lang."

Napanguso ako, muli ay napalingon ang matanda sa akin at ngumiti, "Hmmm—, nagsusungit na naman ba, akala ko ba friend na kayo, nakita pa nga kayo ng mga kasama natin na magkasama kayong sumakay sa kabayo", pabirong tugon nito sa akin.

Nagulat naman ako roon, at napasinghap, "Naku po! Bigla na naman po iyong tinopak, iba-iba ang swing mood, daig pa po ang babae" napangising sagot ko kay Aling Nena at nahawa narin ito sa akin at ngumisi.

"Iha, may ibibigay pala ako sayo, teka lang at kukunin ko". Saad nito at tinungo ang quarters maid room at pumasok roon.

Napakunot ang noo ko sa paglabas nito galing sa kwarto at may dala na itong puting sobre, malapad ang ngiti nito, nagtataka tuloy akong napatingin rito.

"Mukhang may bagong balita po kayo Aling Nena ah"! Wika ko rito at napangiti narin.

"Naku iha, tiyak kong magtatalon ka sa tuwa, kapag nakita mo ang laman ng sobre na ito." excited nitong tugon sa akin, na-curious na tuloy ako at napatingin sa sobreng dala-dala nito.

Iniabot agad sa akin ni Aling Nena ang puting sobre at tinanggap ko naman ito na halata ring mas excited pa ako rito. Palaisipan parin sa akin ang sobre, at binuksan agad ito at kinuha ang papel na naroon at binasa.

"Wow! Aling Nena nakapasa po ako!" malakas na bulalas ko at napayakap rito, maluha-luha ako ngayon. Hindi ko lang kasi akalaing makakapasa ako.

Tiyak akong magiging masaya sina nanay at tatay pag nalaman nila ito, excited tuloy akong ibalita ito kay nanay.

Pero plano ko, pagkauwi ko nalang para masaya ang lahat sa pagbabalita ko, salamat talaga sa Dios, pagbubutihin ko talaga ang aking pag-aaral, saad ko sa aking isip.

Hello reader's kindly dont forget to leave some comments and votes.Thank you.


Loving the Arrogant (Hacienda Janeiro Series 2) Under Major EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon