Chapter 1: Mount Olympus, again
Maayos na ang buhay ko. That's what I thought. Kung binabasa mo ito, ibig sabihin lang na maaaring alam mo ang naganap sa aking buhay 2 years ago. Tama, 2 years ago. Matagal tagal na rin at halos hindi ko na maalala ang lahat.
Ang alam ko na lang ay nabalik na ako sa normal kong buhay, bilang isang estudyante, bilang isang anak na mayroon madaming step-siblings.
Whoops, tingin ko magpapakilala muna ako. Ako nga pala si Amber, isa akong mortal, I mean, isa akong normal na tao na namumuhay sa monotonous na buhay at tingin ko naman ay masaya ako. Pagkatapos kong bumalik mula sa Mount Olympus ay naging mas madali at maayos na ang lahat: nagkasundo na ang aking mama at papa, pero hindi sila nagkabalikan, malabong malabo na iyon.
Nakatira ako ngayon sa aking papa, kasama ang aking tatlong step-siblings: si Johnny, ang sumunod na pinakamatanda sa akin, star player ng school, charismatic, nakakatuwang may kapatid akong tulad niya. Si Kim, nerdy at generous at ang pinakabatang si Angel, ang halos baby ko na, mayroon siyang malaki at cute na mga matang nakuha niya mula sa aming ama.
Sa side naman ng aking mama ay mayroon akong isang step-sibling pero hindi pa siya lumalabas sa mundong ito, three months na buntis si mama sa bago niyang asawa. Bitter pa ba ako sa buhay? Sana hindi na. Binenta na ang dati kong tinitirhan pero kahit minsan ay dumadalaw ako doon, hindi na ako pumapasok dahil may iba nang nakatira at balak daw gawing commercial area ang lote.
Isa akong arts student ngayon sa isang state university, at sa loob ng dalawang taon ay napakadaming mga kumplikadong pagkakataon: paglilipat ko ng bahay, pagaadjust at kung anu-ano pang adolescent drama.
Nagmature na ako? Tingin ko hindi pa, 18 na ako pero tila bata pa rin ako sa isip at gawa. Pero malungkot pa rin ako kahit ganoon kasaya ang pamilya ko ngayon, pakiramdam ko ay may kulang... may kulang... hindi ko lang alam kung ano.
Minsan nga ay pagkumakain kami ng aking papa, stepmom at step-siblings sa labas ay napapatulala lang ako, na pakiramdam ko ay sobrang detached ako sa mundong ito. Hindi ko magets ang sarili ko. Pinapalakpak ni Johnny ang kanyang kamay para gisingin ako mula sa aking mga pagkakatulala.
"Hoy, ate!"
"Problema, anak?", tanong ni papa.
"Ah! Ayos lang ako."
"Are you sure, honey?", tanong sa akin ng aking stepmom.
"Si ate may iniisip! Awooh! Baka mangati ang ilong ng iniisip mo!", asar ni Johnny.
At tatawa silang lahat. Sasapakin ko sa balikat si Johnny.
Sa school ay naging active ako, pakiramdam ko ay nakalabas ako sa aking shell, nagparticipate ako sa student organizations, naging champion sa ibang arts and design contests at nagkaroon ng kaunting mga 'fling.'
Pero hindi pa rin ako fulfilled... I know na may kailangan pa akong gawin, malaman... hindi ko nga lang alam kung ano.
Sa school, ang madalas kong idrawing ay mga matatangkad na lalake, na parang mga gods at iba iba pang creatures. Tuwang tuwa ang mga classmate ko kapag gumagawa ako ng sketch ng tatlong gorgeous na teenagers at nandidire naman sila pag mga creatures at mga villains na may apoy sa kamay. Kung alam lang nila.
Ang pagbaliktad (muli) ng aking mundo ay nagsimula nang ako'y papauwi mula sa nakakapagod na araw sa eskwela, September at maulan. Dahil wala akong dalang payong at para mapabilis ako ay naisipan ko na lamang magLRT kahit napakadaming tao at nagkakapalitan na ng mga mukha at body odor. Basang basa akong bumili ng tiket at ginawa ang lahat para lang makapasok sa train.

BINABASA MO ANG
Teenage Greek gods: The Missing god of the Sky Book II
FantasyDalawang taon na ang lumipas. And now Amber's an art student. Maayos na ang buhay niya, tingin niya, masaya siyang nakatira sa bahay ng kanyang ama kasama ang kanyang step siblings. And somehow, nakalimutan niya na ang lahat ng nangyari...ang mga tu...