Flashback Chapter 3

301K 5.9K 836
                                    

Flashback Chapter 3

"Daddy, ano pong maganda sa dalawa?" lumingon ako kay Daddy at iniharap ang dalawang hawak kong pambaba. "Skater skirt or high-waisted shorts?"

Napatunganga naman si Daddy sa pinakita ko bago siya matawa. "Mukhang may pinapagandahan ang prinsesa ko ah." mapang-inis na sabi ni Daddy. "Sino naman kaya ang swerteng lalaking 'yon?" nagtaas siya ng kilay at tila nag-iisip.

Napanguso na lamang ako at hindi na pinansin ang mapang-inis na tanong ni Daddy sa akin. "Daddy, sabihin niyo nalang po kung ano pong mas bagay sa akin." giit ko naman.

"Everything looks good on you, princess." nakangiting sagot niya sa akin ngunit hindi 'yan ang gusto kong marinig na sagot.

I need a precise answer for this one. I don't need vague flattering and sugar-coated words, especially coming from my father who always sees me as someone so beautiful just because I'm his only daughter.

Napabuntong hininga naman ako. "Daddy, please just choose one from these two." sabi ko naman at muling inangat ang hawak-hawak ko.

"I think wearing a simple skirt will do, princess." sabi naman ni Daddy. "That high-waisted short will make you look like an elementary student." dagdag niya pa.

Napangiti naman ako at lumapit sa kaniya upang halikan siya sa pisngi. "Thanks, Dad!" malambing kong pasasalamat bago patakbong umakyat sa taas upang pumunta sa aking kwarto.

I dressed myself simple, but I made sure that I'm pretty enough. Today's the start of the training with Sean for the Festival Competition.

"What's with the girly get up, Sands?" nagtatakang tanong sa akin ni Ashley nang sumakay siya sa aming sasakyan nang sunduin siya sa kanila.

"For a change." sabi ko nalang at kumindat sa kaniya.

Napailing na lamang siya at saka inilabas ang makapal na libro ng Philippine Constitution. Halos malula ako sa sobrang daming post it notes na nakaipit sa kaniyang libro bilang palatandaan.

"Totoo ba 'yung narinig ko na kasali ka sa Festival Competition sa Cagayan de Oro?" biglang tanong niya sa akin habang pinapasadahan ng basa ang pahina ng kaniyang libro.

Ngiting-ngiti naman akong tumango sa kaniya bilang sagot. "Hindi nga ako makapaniwala na ako ang napili pero nakakatuwa."

Bumuntong hininga naman siya. "Sana naman ay seryosohin mo ang kompetisyon na 'yan, Sandra." sabi niya. "If I'm not mistaken, we ranked second last year in that competition and this year, they're hoping to reach the top spot or maintain the rank. Wala sa option ang bumaba or hindi makasali sa finals, Sandra."

Hilaw naman akong tumawa sa masiyadong pagiging seryoso ng aking pinsan at saka ko pinalo nang marahan ang kaniyang braso. "Don't worry, couz! Hindi tayo made-degrade sa competition ba 'yan."

"How can you be so sure?" nagtaas siya ng kilay sa akin. "Are you that confident about it? Chemistry's not even your major, Sands."

Kinagat ko naman ang aking labi upang pigilan ang sarili sa pagngiti ngunit hindi ko nagawa.

"Kasali si Sean! Siya ang kapartner ko sa competition at paniguradong kapag hindi ko alam ang sagot, siya ang makakaalam." sabi ko at hindi ko maitago ang kilig na nararamdaman.

Bahagya namang napaawang ang kaniyang bibig saka umiling bago ibinalik ang tingin sa libro. "Eh kaya naman pala pumayag kang sumali." bulong niya na narinig ko naman.

His Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon