AKI
Naglalakad na ako pauwi ng apartment galing sa coffee shop kung saan ako nagtatrabaho. Paliko na ako sa isang eskinita, dito ako dumadaan kasi mas malapit ang way dito pauwi. Pero may humarang saking tatlong lalake, mga nakaitim na damit. Mukha silang may sapi sa itsura nila. Nangingitim ang paligid ng mata at maputla ang kulay. Mga Darkan.
" Darkans." ngumisi lang ang isa sa kanila, siya siguro ang lider.
" Alam mo ang uri namin. Isang patunay na isa ka sa amin. Sumama ka samin kung nais mo pa ang mabuhay." litanya niya. As if naman sasama ako sa kanila, mamamatay muna ako bago mangyari yun.
" Psh. Daming satsat! Yun ay kung papayag ako. Hindi pa ako nahihibang para sumama sa katulad nyo! Hindi nyo ako kauri!" sagot ko sa kanila at bored lang na nakatingin.
" Kunin nyo sya! Bilisan nyo! Tiyak matutuwa nito ang Kapitan sa pagbabalik natin dahil may uwi tayo! Hahaha!" nakakakilabot sya tumawa, trying hard na kontrabida sa pelikula.
"Yun ay kung makakabalik pa kayo!" at sa isang iglap lang ay naging abo na sila, hindi ko na inantay na gumalaw sila.
Pinakiramdaman ko ang paligid. Kailangan ko mahanap ang mga lagusan at maisara ito upang di na makatawid pa ang mga darkans na may masamang motibo. Hindi pwedeng pati dito sa mundo ng mga tao ay maghasik sila ng kasamaan. Lumingon-lingon ako sa paligid. Mukha namang wala ng taong gumagala, late na rin naman, its 1:00 AM already.
Umupo ako sa kalsada na parang monghe. Pumikit ako upang makapagfocus akong mabuti. Nararamdaman kong unti-unti akong lumulutang. At yung kapangyarihan ko unti-unting lumalabas. Napapalibutan ako ngayon ng apoy na puti na may asul. Pinakalat ko ang puting apoy sa hangin patungo sa mga lagusang nabuksan para itoy sirain na at masarhan ng tuluyan ng di na magamit pa. Matagal-tagal din itong natapos. Nagpalabas naman ako ng pulang apoy, ipinorma ko itong parang bulalakaw at inutusang sunugin ang mga darkans na nanggaling sa lagusan. Madami na din pala sila.
Nang matapos ay bumaba na ako. Kailangan ko nang umuwi, baka nag-aalala na si Nanang Gody sakin.
Pagkarating ko sa apartment. Nadatnan ko si Nanang na nakaupo sa sofa. Bukas ang TV pero wala dito ang pokus niya. Waring malalim ang iniisip.
"Nana? May bumabagabag sa inyo. Maaari niyo bang sabihin kung ano iyon?" tanong ko kay Nana na sobrang seryoso ang mukha.
"Ah anak. May naramdaman ako kaninang masamang presensya sa hangin, hindi naman kabigatan, maaaring isang mahinang nilalang. Sa tingin ko'y isang Darkans iyon." bakas ang pag-aalala sa mukha nya.
"Opo Nana. Kanina lang nung akoy pauwi na. May mga nakasagupa akong tatlong Darkans. Pero huwag na ho kayong mag-alala pa. Naisarado ko na ho ang mga lagusan nila at di na ito magagamit pa dahil sinira ko na ho. Wala na rin hong Darkans na pagala-gala." paliwanag ko kay Nana.
"Mabuti naman kung ganon. Mukhang oras na anak upang tayo ay bumalik sa Arkania. Labing dalawang taon na rin ang lumipas." saka ako tiningnan ng mariin na waring sinusuri ang magiging reaksyon ko.
Well. Its ok for me. I think its time to go home. Time to fulfill my promises to my parents.
"Ok Nana. We will go back to Arkania, the day after tommorrow. Magpapaalam lang po ako sa aking pinapasukan. Magpahinga na ho tayo." kita ko ang tuwa sa mata ni Nana. Siguro miss na nya ang kanyang pamilya.
Pumasok na ako sa kwarto ko at kelangan ko na rin magpahinga. Marami akong nagamit na mana sa pagsasara ng lagusan. Limited lang kasi ang mana ko dito sa mundo ng mga tao, hindi katulad sa mundo namin,hindi ako nauubusan ng mana. Biniyayaan ako ng mga Tagabantay ng higit sa isang kapangyarihan at unlimited mana nung naabot ko na ang pinakamataas na antas ng mana ko.
Sa loob ng 12 years ko dito sa mundo ng tao. Nagsanay ako kasama ang mga Tagabantay sa Hardin. Sinanay nila ako hanggang sa mamaster ko at maabot ang pinakamataas na antas ng mana ko. Pano nangyari yun? Habang tulog ako, ang astral body ko naman ay napupunta sa Hardin. Hindi lang basta elemento ng apoy ang meron ako. Masasabi kong lahat ng klase ng mahika ay taglay ko pwera lamang sa tubig, hangin, lupa, at yelo na elemento. Pero maaari akong makalikha ng mahika na may kaugnayan sa mga elementong yan sa pamamagitan ng spell hindi nga lang pangmatagalan na gamit, limited lang kumbaga ang itatagal.
Kumusta na kaya ang Arkania?
***
Ito na ang araw. Oras na nang pagbalik sa Arkania. Nakakakaba na nakakaexcite. Yan ang nararamdaman ko ngayon. Pero syempre hindi kita sa mukha ko. Lagi naman kasi akong poker face, bored, blank, walang kang emosyon na makikita sa mga mata ko. Hindi ko rin alam kung bakit e. Nakasanayan ko na rin siguro.
"Handa na po ba kayo Master? Halina na po kayo." yaya sakin ni Nana, pero ano daw? Master?
"Nana? Don't call me Master again ok. Mas gusto ko po yung dati. In that way, I can pretend that I am nobody. Sabihin na lang natin na inampon nyo lang ako kaya Nana ang tawag ko sa inyo. At hindi nyo alam kung saan ako nagmulang angkan. Maaari po ba?" pakiusap ko sa kanya, mas gusto ko kasi yung walang makakaalam kung sino ako.
"Sige anak, kung yan ang gusto mo." nakangiti nyang pagsang-ayon habang tumatango.
Tumango lang ako dito at pumitik sa ere. Sa isang iglap lang, nandito na kami sa loob ng gubat malapit sa isang tagong kweba kung nasaan ang lagusan patungong Arkania. Naglakad na kami papasok at huminto sa isang parang pintuan sa loob ng kweba. Inilabas ko na ang aking kwintas na siyang magbubukas ng lagusan. Inisip ko ang lugar kung nasan yung puno na pinasukan namin nung bata pa ako.
Di nagtagal kasabay ng pagliwanag ng kwintas ay ang pagliwanag ng pader. Bukas na ang lagusan. Pumasok na kami dito. Palutang-lutang kami sa loob ng portal hanggang sa may liwanag na kaming nakikita, yun na ang labasan! Kusa naman kaming dinadala ng portal sa liwanag hanggang sa kamiy makalabas. Kung hindi lang ako sanay baka nasuka na akot nahihilo ngayon.
Paglapat ng mga paa ko sa berdeng damo ay agad akong pumikit dahil sa hanging sumalubong sa aking mukha. Syempre isa itong burol kaya malakas ang hangin.
welcome back Asher!
Bulong ng hangin sa akin. Ang mga Tagabantay. Napangiti ako. Yes. Welcome back to me.
***

BINABASA MO ANG
A K I
Fantasy"Hindi..I-Ina..Ina ko..!" patakbo na sana akong lalapit sa kanila ng may pumigil sakin. Si Nanang Gody. "Nanang, si Ina. Si Ina Nanang!" iyak ko kay Nanang habang pigil pigil nya ako. Niyakap na lamang ako nito. "Wala na tayong magagawa pa anak. Kai...