Ang LOVE, parang WATTPAD

3.3K 260 237
                                    

Ang LOVE,

parang WATTPAD

Pag nagFAN ka, wag kang umasang magfafanback siya kasi hindi lahat ng mahal mo, mahal ka din.

Minsan, may nagreREMOVE ME FROM FANS. Minsan, nawawalan na tayo ng espasyo sa puso ng taong minsan tayong minahal.

May mga fan tayo na laging naghihintay ng update/s natin, binoboto yung kada chapter ng gawa natin at laging nagcocomment na maganda yung gawa natin. Minsan, hindi natin sila binibigyan ng halaga. Sa buhay, may mga taong nagmamahal satin kahit hindi natin pinapansin.

May reader/s naman na CHAT lang ang gusto. Usap lang kayo. Kwentuhan ng kahit ano. Walang basa-basa, walang vote, walang comment at di mo rin siya fan. Sila yung mga taong LANDIAN lang ang gusto.

Ang masaklap, may reader/s o writer/s na mabait sayo kasi may kailangan. FRIENDS WITH BENEFITS ang tawag dyan.

Naranasan ko lahat 'yan. Naranasan kong mahalin ang isang taong hindi naman ako mahal. Naranasan kong mawalan ng espasyo sa puso ng taong nagsabing mahal na mahal niya ko. Naranasan kong mahalin ng mga taong hindi ko naman mahal. Naranasan kong makipaglandian at naranasan kong manggamit at magpagamit.

NA-INLOVE ako sa isang Wattpad writer/reader. Huwag mo na siyang hanapin sa 269 fans ko, pahihirapan mo lang sarili mo. Kung matagal ka nang nagbabasa ng mga gawa ko, malamang kilala mo si "Marg".

Nahulog ako sa kanya kahit dito ko lang siya sa Wattpad nakilala. Akala ko, hindi siya magiging parte ng realidad ko. Since 2009, blogger na ko at ni minsan, di ako nakipagkita sa mga taong sa online world ko lang nakilala... maliban sa kanya.

Ang makasama siya ang pinakamasayang pangyayari sa buhay ko. Habambuhay kong itatago sa puso't isip ko ang mga sandaling kasama ko siya, nakikipagkwentuhan sa kanya, ang pagtawa niya sa kakornihan ko, yung sandaling tumutugtog kami ng gitara...

Lumayo siya sakin matapos ang gabing iyon. Ang daming tanong sa isip ko. Gusto ko siyang tanungin kung bakit bigla siyang lumayo, kung bakit niya ko nilisan.. Naiwan akong luhaan kasama ang mga alaala ng gabing iyon.

Muli akong pinahiram ng tadhana ng isang gabi sa tagiliran niya. Naglaho lahat ng tanong sa isip ko nang yakapin niya ko. Noong umaga na, pinagmamasdan ko siya habang mahimbing siyang natutulog. Tinititigan ko siya habang hinahaplos ang kanyang buhok. Hindi ko kasi alam kung kailan ko ulit siya makakasama o makakasama pa ba?

Alam kong ginagamit niya lang ako... Alam kong naglolokohan lang kami pero dahil sa mahal na mahal ko siya kaya ako nagpapakagago. Nahihirapan ako sa set-up namin. Sinabihan niya na ko sa umpisa pa lang pero hindi ko napigilang mahalin siya.

Naging akin naman siya... sandali nga lang.

Dahan dahan na kong lumalayo sa kanya. Matutunan ko kayang muling magmahal kahit ibinigay ko na lahat ng pagmamahal na mayroon sa puso ko?

Alam ko, darating din ang panahong wala na kong nararamdaman para sa kanya. Darating din ang sandaling hindi ko na nais pang yakapin siya... hindi ko nga lang alam kung kailan.

Dahan dahan ko nang aayusin ang nawasak kong puso.

Makukuntento na lang ako sa mga alaalang makakasama ko sa aking pag-iisa.

 

 

- emosyon

Ang LOVE, parang WATTPADWhere stories live. Discover now