Chapter 24: We're bond

Start from the beginning
                                    

Sinuway ko siya para hindi marinig ng iba. "Wag mong lakasan ang boses mo baka may makarinig sa'tin. Parang kasing meron akong hindi alam tungkol sa kanila."

"Talaga? Tinanong mo na si Myrna kung bakit."

"Katulad nung sinabi ko, nag-away lang kami kanina at parang ako yung pinagmumukha na malandi ako, na nilalandi ko si Romina."

"Oh....talaga?"

"Oo eh, kaya nga may gusto ako ipagawa sayo...sana ok lang sayo. Gusto ko sanang obserbahan mo yung kilos niya, pakinggan mo kung sino yung kausap niya, ganon."

"Goodness Mila, hindi ko alam kung kaya kong gawin yan kasi ayoko din pakisamahan ang babaeng yan, matagal na yan may attitude problem."

"Pero magagawa mo ba yon para sa'kin?"

"Susubukan kong gawin iyon total mukhang kailangan mo talaga ng tulong dito eh, oobserbahan ko siya mamaya tapos kung may napansin akong kakaiba then sabihin ko na lang sayo."

"Sige, salamat ah."

Buti na lang matutulungan din ako ni Dina, para matulungan niya akong malaman tungkol kay Myrna. Papunta na ako sa classroom pero nakakagulat dahil saktong oras lang dumating na si Romina, napansin ko ang drastic change niya sa pagpasok. Pero siguro wala dapat akong i-expect na nagbago siya ng dahil sa'kin.

Ugh...baka nga mamaya iisipin niya pang mag-cutting.

"Hi Ma'am, baka isipin niyo na nagbago ako para sa inyo...I'm so grateful dahil hindi na ako tagalinis, also I feel better na parang tayo lang dalawa nasa mundong ito."

Nagtitilian ang iba kasama ang mga kaibigan niya. Kaya mas lalo lang akong nairita imbes na matuwa sa ginagawa niyang yan kaya nilapitan ko siya para kausapin.

"Romina, iwas-iwasan mo yung mga ginagawa mong ganyan masyado ka ng hindi nakakatuwa."

Natawa siya ng bahagya. "Ma'am, wag niyong sabihin nadala nanaman kayo sa stress or what."

"Mag-usap nga tayo sa labas!"

Napatigil din siya sa kakangiti at tumayo siya ng kusa kaya ang mga kaibigan niya rin ay nagtaka.

"Ano po bang kailangan niyong pag-usapan?" tanong sa'kin ni Mitch.

"Wala lang Mitch, pag-uusapan namin yung tungkol lang sa observation ko sa kanya."

Lumabas na ako papuntang classroom pero lumabas din siya kaya makakausap ko siya ng maayos, buti naman.

"Romina, sobra akong stress sa araw na to...alam kong pasaway ka pero pwede bang alamin mo din yung limitation mo, kasi alam mo naman na teacher mo ako kaya sana kahit konting respeto ibigay mo yon sa'kin."

Napangisi ito at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Anong respeto? Nakita mo naman na once lang yung nangyari sa sex video."

"Maging seryoso ka Romina, okay lang na maging personal tutor kita pero alam mo sana kung saan yung lugar mo."

"Parehas lang tayong nasa Pilipinas, calm."

"Madalas kaming nag-aaway ng asawa ko kaya please lang."

Minasahe niya ang ulo niya sa sobrang stress, parang hindi rin masyadong makapaniwala.

"Ma'am, eto ba nanaman yung issue na to. Hindi na ata natapos yung away niyo...ano ba kayong klaseng mag-asawa, jowa ng 1 month kaya agad OA ng magselos!"

"Makinig ka, may kutob ako na parang sinisiraan ako ni Myrna dahil magkaibigan sila ng asawa ko, ako pa yung pinagmumukha niyang manloloko, ako din yung pinagmumukha niyang mali. Kaya pwede bang iwasan mo yung ganyang jokes."

The teacher and the studentWhere stories live. Discover now