Chapter 5

827 32 0

Yaz's POV

Mabango

Malamig

Masakit ang ulo ko

Dahan-dahang minulat ko ang aking mga mata ngunit napa-pikit ako kaagad dahil sa sakit sa ulo. I rubbed my eyes and massaged my temples.

'Pucha ang sakit ng ulo ko!'

Nakapikit akong hinanap ang glasses ko, inabot ko ang side table at...

'Ba't ang lambot nito?'

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at...

'Kamay?!'

Dahan-dahan kong inangat ang paningin ko sa kung sino ang may-ari ng kamay na 'yon...

dO__Ob

*LUNOK*

MAXWELL???!!!

Inagaw ko kaagad ang aking kamay na naka hawak sa kaniya! Blanko ang mukha niya at naka titig sa'kin, nasa mesa ang kanan niyang kamay habang ang isa naman ay naka pamulsa. Naka upo siya sa gilid ng kama na naka harap sa'kin!

"A-anong ginagawa m-mo dito?!" tinignan ko ang kabuuan ng kwarto...

"You're in my room." Simpleng sagot niya!

dO____Ob

Dali-dali akong bumakod at na outbalance pa ako! Umupo ako kaagad sa higaan dahil nahihilo ako. Hinawakan ko ang aking ulo at napa-pikit

ANONG GINAGAWA KO DITO?!

Naramdaman ko ang pag lapit niya ngunit hindi ko na pinansin dahil sa sakit ng ulo ko.

"Drink this" May inabot siya pero ang paningin ko ay nililibot ang buong kwarto. May nakita akong picture frame... silang tatlo magkapatid. Sa gilid naman ay may malaking frame, graduation picture ni Maxwell...

'Shit... NA'SA KWARTO N'YA TALAGA AKO!!!'

"Drink this" pag-ulit niya at inabot pa-lapit ang pill at glass water. Hang-over pill ata 'to

Nahihiya akong inangat ang paningin, kunot noong tinanggap ang medisina at ininom 'yon

"How are you feeling?" Tanong niya. Animo nag babantay ng pasyente

Umiling lang ako. Hindi ako maka sagot. Hiyang-hiya na ako! Pa'no ako nakapasok dito?

OMG!

Don't tell me... ang kwarto niya ang na pasok ko imbes na kwarto ko!

dO_Ob

Nagulat ako sa na isip ko! Ramdam ko ang dugo na namumuo sa mukha ko! Ang init na ng pisngi ko!

Nagulat ako nang hinipo niya ang temperatura ng aking noo at lamunan gamit ang kaniyang palad

"Ang pula-pula ng mukha mo, hindi ka naman mainit"

d0_0b

Kung ikaw kaya nasa posisyon ko ngayon?!

Anong gagawin ko?!

Inangat ko ang ulo ko at naiilang sa titig niya, "P-pano... a-ako nakapunta d-dito?"

Tumingala siya, kinuskos ng kaniyang daliri ang kanyang baba animo nag-iisip. Muli siyang tumingin sa'king mga mata, "Ask yourself"

Nahiya akong bumaba ng tingin at umiling... "W-wala akong natatandaan" Nahihiya ko'ng sagot

"Then try to remember"

A Yazwell FanfictionRead this story for FREE!