Flashback Chapter 2

340K 5.4K 309
                                    

Flashback Chapter 2

"I can't believe that I have a cousin like you." Ashley said like she's so embarrassed because I'm her cousin.

Patago lang naman akong naglalakad sa campus at bantay saradong tinitignan ang bawat palagid habang papasok.

Hindi niya ako masisising mahiya dahil sa ginawa ko nitong nakaraang araw. I realized that I've been so brave but stupid at the same time. Not that it's my first to be stupid but that's the stupidest thing I've ever did. It's really not a good thing to publicly confess your feelings to someone. Nakakahiya.

Gusto ko na lamang lamunin ako ng lupa noong sinigaw ko ang nararamdaman ko sa kaniya at lalo na nang talikuran niya ako.

Hindi ko na ata kayang magpakita pa sa kaniya ulit. Mas mabuting panoorin ko nalang ata talaga siya sa malayo kaysa lumapit pa at baka kung anong kahihiyan nanaman ang gawin ko.

Instead of being cautious, I tend to be so careless whenever when I'm around him.

"Sandra—"

Agad ko namang nilingon ang pinsan ko upang tignan siya ng masama nang banggitin niya ang aking pangalan.

"Huwag kang maingay!" Sipat ko sa kaniya. "Baka may makarinig sa'yo at makita nila ako. Nakakahiya."

Huminga ito ng malalim. "Eh bakit ba kasi hindi mo man lang iniisip ang magiging kahinatnan ng gagawin mo bago mo ginawa 'yun?" Pangaral niya sa akin. "Babae ka, Sands. Hindi magandang tignan ang maghabol sa lalaki. Yes, you can confess pero para sa akin ay hindi sa ganoong paraan. Mas maganda pa rin ang lalaki ang mag-first move."

"As if namang aamin siya..." I absentmindedly whispered to myself. "Wala naman siyang dapat aminin dahil hindi niya naman ako gusto. Kaya sino ang gagawa ng paraan? 'Diba ako?"

"Exactly my point!" She exclaimed. "Mas maganda ng itago mo nalang kaysa alam niya. Magmumukha ka lang tanga dahil 'di ka naman niya gusto. He will just feel over confident sa sarili niya dahil alam niyang may babaeng baliw na baliw sa kaniya na sinigaw pa ang nararamdaman nito para sa kaniya sa buong university grounds. He might even use you or take you for granted because of that, Sands."

Bagay na bagay talaga sa kaniya ang kinuha niyang kurso. Hindi dahil sa normal siyang madada na tao kundi dahil lagi siyang may gustong ipaglaban. She's taking law and based on her knowledge about things at pananaw sa buhay ay tamang-tama lang sa kaniya 'to. Gusto niya rin ay siya ang laging mananalo sa mga walang kwentang pinagdedebatihan namin lalong-lalo na kapag tungkol ito kay Sean.

I just can't help it. I can't control my feelings to Sean anymore na kahit ilang pagbubunganga pa ang gawin niya sa akin ay hindi ako matinag-tinag. Kahit sinasampal-sampal niya na sa akin ang mga katotohanan na ilusyon ko lang ang mga imagination kong may pag-asa kami ni Sean ay hindi ko parin magawang itigil.

It's just too unruly. I can't even get a hold of my own feelings for him.

I don't know how my love for him got deeper when he ain't even digging my heart for him to reach that deep.

"Pupunta na ako sa building ko. Keep your head down if you really don't want to be seen." Payo niya naman sa aking bago lumiko patungo sa kaniyang building.

Nakayuko nalang akong maglakad patungo sa klase ko. Paulit-ulit ako sa pagbibilang ng daliri ko para mapigilan ko ang mapalingon sa paligid.

Just keep your head down, Sandra. Kahit ngayon lang ay sundin mo naman ang sinasabi sa'yo ng pinsan mo at baka may tama pang pwedeng mangyari sa buhay mo kaysa puro kahihiyan lang.

His Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon