Sully's POV

"L, please lets talk?"

"Leave me alone, Rain. At pwede ba? Stop calling me, L." malamig kong sabe. Nilagpasan ko na siya pero hinablot niya yung braso ko.

"Please, L. Let me explain. I want you back." sabe niya. I looked at him straight in the eye.

"A-YO-KO. Is that hard to understand na ayaw ko na? Na break na tayo at move on na ako?!" inis kong sabe. He hugged me pero pumiglas ako.

"Let me go! Let me go you jerk!" sabe ko saby tulak sa kanya.

"Sully...."

"LEAVE ME ALONE!" sigaw ko sabay takbo palayo.

I hate this feeling. Bakit bumalik ka pa? After what you've done to me? Letche!

Pumasok ako sa girls comfort room. I hate him.

Pinunasan ko ang mga luha ko. Buti nalang walang tao dito. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin.

Stupid tears! Why can't you stop?!

Patuloy parin ako sa pagpunas ng mga luha ko na tuloy tuloy lang sa pagbagsak.

Sobrang sakit parin e. Di ko mapigilan. Oo di parin ako nakaka move on. Excuse ko lang yun para tigilan na niya ako.

He caused too much pain in me. Ayoko na. Bakit ko pa kasi siya minahal?! Tahimik lang ang mundo ko noon. Pero simula ng dumating siya, everything changed.

FLASHBACK

I was a nerd back then. Lagi akong magisa at nagbabasa lang ng libro.

Dalawa lang ang kaibigan ko. Sila Candy at Akira. Pero kasi..... umalis si Akira papuntang Japan. Si Candy naman magkaiba kami ng section.

Highschool palang kami. I have a peaceful life. But on a single snap, everything change.

Dahil sa isang lalake na nangangalang Rain Lance Zamora.

He's a heartthrob dito sa school. Parehas sila ng kaibigan niyang si Lucas.

Parehas silang playboy. Manwhore to be exact. They play with girls and eventually make them cry.

I hate those jerks. I hate them. Pero tong kaibigan ko, in love kay Lucas. Hay nako. I honestly think na walang sineseryoso sa buhay yung dalawa.

"Look oh, Sully. Si Lucas!" kinikilig na sabe ni Candy. I rolled my eyes at nagpatuloy lang sa pagbabasa.

"OMG! Here they come!" sabe ni Candy sabay yugyog sakin. Inayos ko lang yung salamin ko.

Oo, nakasalamin ako. Nerd nga diba?

"Hi, Candy." rinig kong bati ni Lucas kay Candy.

"Um.... H-Hi Lucas." Nahihiyang bati ni Candy.

"Hi, Sully." di ko pinansin yung bumati sakin.

"Uy, Sully Kim. Binati ka ni Rain, oh." sabe ni Candy. Tumingin ako sa lalakeng nasa harap ko.

Rain? As in Rain Lance Zamora? Tsk.

"Hi." tipid kong sagot at nagpatuloy na ulet sa pagbabasa.

"Ay, sorry Rain ah. Ganyan talaga si Sully e. Pagpasensyahan mo na." sabe ni Candy.

"Ah, ayos lang." rinig kong sagot nung Rain.

"Ah sige, alis na kami ah." sabe nila at umalis na. Psh.

Sweet DespairBasahin ang storyang ito ng LIBRE!