Prologue

700K 8K 501

My thirty day plan was simple:

--Help him move on.

--Make him fall for me.

--Fall in love with him.

...all in thirty days.

Gale asked me—no, BEGGED actually. She begged me to try... 

Subukan ko daw na paibigin ang kuya niya—si Clint Kenneth Eusebio. Alam ko na sa simula pa lang na mahihirapan ako. Unang una, napaka-babaero ng kuya nya. Isang beses ko pa lang syang nakita. Nung graduation namin nung college. Pero yung mga bali-balita tungkol sa kanya (na kapatid nya mismo ang nagrereklamo) ay hindi na bago sa 'kin.

He wasn't just a womanizer. He toys with girls. He makes them fall for him tapos saka nya iiwanan sa ere. Siguro nga, gasgas na ang description sa kanya... pero ayun eh. Yun sya.

Nagmakaawa sa 'kin si Gale na paibigin ko ang kuya nya—which is probably next to impossible. Bakit kamo? Eh sa kadahilanan po kaseng ang tradisyon sa pamilya nila, hanggat hindi kasal ang panganay, hindi pwedeng maunang makasal ang mga nakababatang kapatid.

Recently, Rico proposed to Gale and she accepted. Maluwag naman sa pamilya. Tanggap naman nila si Rico. Ang problema, hanggat hindi pa nakakasal ang kuya niya, hindi pa pwedeng makasal si Gale. Eh kilala nyo naman siguro si Rico?

Impatient. Matampuhin. Kapag gusto niya, gusto niya nakukuha nya agad. Syempre, gusto niya si Gale. He made that very clear since way back. At oo, tanggap na naman namin ni Femi yun. Si Femi nga may boyfriend na eh. Ako? Eto wala... kaya ako ang napagdiskitahan ni Gale.

Ano naman ang makukuha ko sa ganitong setup? Prospective happiness. Pero... alam kong mahihirapan ako kase... wala naman akong gusto sa kuya niya. As in ni katiting—wala. Oo nandun na akong gwapo ang kuya niya... pero hindi ko type.

Ayaw ko sa mga playboy. Ayaw ko sa ang agwat ng edad namin ay lampas ng 3 years. Eh 28 na ang kuya niya. 28 na pero hindi pa rin nagtitino sa buhay. Ayaw ko sa mga walang alam na responsibilidad. Si Rico—kahit happy-go-lucky yun, marunong naman yung umako ng responsibilidad.

Hindi katulad ng kuya nya. Tamad na nga, umaasa pa sa magulang. Well, partly. Sabi kase ni Gale, co-owner daw ang kuya nya ng isang restaurant. Culinary arts kase ang natapos noon eh. Kaso mas piniling mag-lagi sa bar, mambabae, uminom.

Masaya sya sa ganung buhay eh.

Pero hindi ko yata talaga sya magugustuhan. Kaso pumayag ako. Bakit?

Kase gusto kong maranasang magmahal. Gusto kong maranasang mahalin. Gusto ko yung ganun. Gusto kong sumaya. At baka ito na yung one-shot at love na hinihintay ko. Sana...

Sana naman sumaya na ako...

Kase baka sa huling pahina ng istoryang ito... sawi na naman ako. 

Haaay...

Sana hindi. Fingers crossed.

<3

My Thirty Day Plan (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!