Habang pinakikinggan ko 'yung kanta nauunawaan ko 'yung mensaheng ipahiwatig nito.. Umpisa pa lang ang ganda na, para bang may gusto siyang sabihin sa prinsesa niya.

Sana.. Ako na lang 'yun.. Sana ako na lang ang prinsesa niya..

Dalhin mo ako sa iyong palasyo
Maglakad tayo
Sa hardin ng ‘yong kaharian
Wala man akong pag-aari
Pangako kong habang buhay
Kitang pagsisilbihan
O aking prinsesa ah
Prinsesa, prinsesa, prinsesa

Di ako makatulog
Naisip ko ang ningning ng ‘yong mata
Nasa isip kita buong umaga
Buong magdamag 

Habang buhay? Siguro kung ako ang prinsesa niya hindi niya ako habang buhay pag sisilbihan.. Kaya siguro hindi na kami tinadhana ng Diyos..

Siguro kung ako ang minahal niya masasaktan ko lang siya.. Kaya mas maganda na rin siguro na hindi ako ang taong mahal niya. Mas maganda siguro na hindi ko na lang aaminin sa kanya ang nararamdaman ko.

Kasi kung bandang huli hindi ako makaka-pangako sa kanya na hindi ko siya iiwan.. Kasi iilang araw na lang ang natitira kong buhay..

Sana’y parati kang tanaw
O ang sakit isiping
Ito’y isang panaginip
Panaginip lang

Dalhin mo ako sa iyong palasyo
Maglakad tayo
Sa hardin ng ‘yong kaharian
Wala man akong pag-aari
Pangako kong habang buhay
Kitang pagsisilbihan
O aking prinsesa ah
Prinsesa, prinsesa, prinsesa 

Nakaka-panindig balahibo ang boses niya, sa bawat pag himig niya lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko, ang sarap sa tainga, nakaka-relax.. Ang lamig pakinggan ng boses niya.

Panaginip.. Sana nga panaginip lang ang lahat na bukas o mamaya magigising ako sa bangungot na ito sana maging normal ang lahat. Pero may side rin na maganda ang bangungot na ito. Kasi kasama ko ang prinsipe ko.. Kasama kita ngayon.. May ibabaon akong magandang ala-ala sa paglisan ko ng mundong ito. Ito ay ang maka-usap at makasama ka kahit sandaling panahon lang.

Dalhin mo ako sa iyong palasyo
Maglakad tayo
Sa hardin ng ‘yong kaharian
Wala man akong pag-aari
Pangako kong habang buhay
Kitang pagsisilbihan
O aking prinsesa ah
Prinsesa, prinsesa, prinsesa 


Naririnig kong sumasabay siya sa pag kanta.. Akala ko todo na sa pag bilis nang tibok ng puso ko.. Pero hindi pala dahil mas lalo na naman bumilis ito.. Mas magandang pakinggan kung live ang boses niya, ang ganda.. Para siyang isang professional na singer.. Nakaka-pangilabot sa sobrang galing niya.



Sabi sa lyrics ng kanta pagsisilbihan? Baka hindi na niya ako pagsilbihan.. Baka hindi na kami maka punta sa palasyo.. Palasyo ng puso niya.

Mahal kita Prince.. Mahal na mahal.. Gusto ko sabihin sayo 'yan kaso hindi pwede masasaktan lang ako sa kalalabasan. Masasaktan lang ako sa mangyayari. Kaya mas maganda na lang siguro kung ilihim ko na lang sayo.

Na tapos na ang kanta.. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.. Alam kong hindi niya 'yon napansin kaya patago at simple ko itong pinunasan gamit ang mga palad ko. Kinuha ko ang isang earphone sa tainga ko at sumulyap sa kanya.

"Ang ganda naman." ngiting puri ko sa kanya.

Bigla siyang tumingin sa akin at ngumiti. "Talaga? Sana magustuhan niya ito."

 
Niya... At hindi ako..

"Bakit hindi mo ikanta sa kanya niya?" pilit ko pa rin pinapanatili ang ngiti sa labi ko.. Kahit ang sakit-sakit na.. Ngingiti na lang ako.

Bigla siyang nag-iwas ng tingin sa akin. "Natatakot kasi ako sa mga pwedeng mangyari, baka hindi kami parehas ng nararamdaman. Baka iwasan niya ako. Ayokong mangyari 'yon." puno ng pangamba sa boses niya.. Ang swerte naman ng babaeng mahal niya.

"Ang swerte naman niya."

"Hindi.. Dahil ako ang swerte sa kanya."



*Prince Dansom's POV*

 

Narinig niya ang kantang pinagpuyatan ko kagabi. Akala ko hindi niya magugustuhan, puno ng pag-mamahal ang kantang 'yon.. Sana maramdaman niya. Sana malaman niya ang gusto kong ipahiwatig..


Ang dami kong pangarap na gawin namin dalawa. Pangarap kong mahawakan ang mga kamay niya hanggang sa huling segundo ko dito sa mundo. Pangarap kong maka-buo ng magandang pamilya sa kanya. Pangarap kong huwag kaming sumuko sa lahat ng problema.. Pangarap kong tumanda kasama siya at mamatay na kasama siya.


Pangarap lang.. Hanggang pangarap lang..

Now Or Never (The Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon