Chapter 13 (What to do?)

127 1 0

Usual days of my usual boring days here sa bahay, ay may nangyayaring usual boring na ginagawa.

Its already a daily routine.

Kain.

Computer.

Computer.

Computer.

Computer.

Kain.

Ligo.

Computer.

Computer.

Computer.

Kain.

Kain.

Computer.

Basa ng libro.

Tulog.

Gandang buhay no?

Pero iba yata ang mangyayari ngayon sa araw na to.

Kasi nagtext siya ulit sa akin after 1 week ng pagluluksa ko.

And kung sino siya ay alam kong alam na kahit hindi ko na banggitin kaya hindi na surprise.

At yun ay walang iba kundi si Nat na walang kwenta para sa akin.

Ang playboy na akala mo eh pinaglaruan ng kung sinu sino at biglang itinapon sa basurahan kaya ang kinalabasan ay naging clown ang mukha.

Siya na naging dahilan kung bakit ako nagluluksa kahit wala namang dapat pagluksaan except sa mukha nyang sarap upakan at ang ugali nyang sagad sagaran sa pambwisit ng araw.

Simpleng manliligaw na nawala bigla pero heto at humihingi ng panibagong pag-asa na baka shunga shunga ako na magpapa uto ulit sa mga sinasabi nyang walang kwenta matapos nyang magkaroon ng simpleng entertainment habang walang klase.

Ang lalakeng hindi na dapat pang pagkatiwalaan matapos ang lahat ng nangyari.

Oo kasalanan ko kung bakit sya naghanap ng iba.. pero hindi sapat na rason yun para hindi nya sabihin yung tungkol dun sa akin.

Karapatan ko naman yun eh.

Aba sinabi ko naman sa kanya na may pag asa sya sakin ah!

Di nga lang ako ready magkaron ng boyfriend ngayon kasi mas natatakot at sa mga magulang ko kesa sa mawala sya.

Kaso di ko maipagkakailang masakit sya.

I feel an ouchy in my hearty..

"Psst"

nagtext siya habang busy ako sa pagbabasa ng 'manga' or comics ng Japan.

Actually gusto kong magbasa, manood o makinig ng mga nakakaiyak nitong mga nakaraang araw kaya lagi na lang namamaga ang mata ko kaya lagi akong nakakulong sa kwarto.. mahirap na rin kasi.

Pero kasi talaga buti na lang at ready ako at nakapagpaload ako!

Inaabangan ko tong pagkakataon na to.

Naks!

Umaayon sa akin ang oras!

Saktong may load ako!

Time ko na to para sungitan siya ng bongga!

Alam kong siya yun kahit binura ko na yung number niya sa cellphone ko hindi dahil sa kabisado ko ang buong number kundi ang first and last 3 numbers ng cell number niya.

"Who you?"

"Ako lang naman si Lee Min Ho"

aba! at Lee Min Ho pa ang nais ng mokong!

FYI muka kang binugbog na version ni Empoy!

"Huh? Sino yun?"

"Hindi mo ako kilala? Tsk tsk!"

"Sorry pero I don't talk to strangers."

"Huy joke lang! Nat to. Musta?"

parang walang nangyari ah?

"Sinong Nat?"

"Nat, ang lalakeng matindi pa sa kalawakan ang lawak ng pagmamahal sayo."

"Matindi rin sa kalawakan ang lawak ng narating mo nung hindi tayo nagkasama. Pati alien, pinatulan!"

"Anong alien?"

"Wala. Dun ka na sa girlfriend mo. Magsama kayo."

"Bakit ba laging nadadamay girlfriend ko dito?"

ayun oh napipikon na sya..

"Kasi baka magselos siya tapos magugulat na lang ako sasabihan ako ng flirt o kaya ay mang-aagaw, wag na uy! Tigilan mo na pagtetext mo sa akin."

"Sus! Hindi yun."

"Don't text me please."

"Mahal na mahal kita!"

kanina nagagalit nung nadadamay yung girlfriend tapos ngayon mahal na ako?

anong kalokohan ang nagaganap?

paki-explain please!

"Don't tell stupid jokes like that. It's not funny."

"Hindi yun joke Melody... seryoso ako sayo."

Seryoso?!

Ako ba talagang niloloko mo?!

Eh loko ka pala eh!

Ang seryoso, hindi naghahanap ng kapalit porket hindi sure kung may chance pa!

And thanks to you, i'm not convinced about how love really makes people happy.

It makes someone to kill!

"Don't joke with me. And besides, hindi na ako maniniwala sayo ulit."

"Kahit pa sabihin kong nasa tapat ako ng bahay ninyo at handa nang tawagin ka?"

Agad akong napatingin sa bintana ng kwarto ko.

Andun nga siya!

Oh shocks!!

Bakit ka pumunta dito?!

"Anong ginagawa mo sa tapat ng bahay namin?"

"Kakausapin ka."

"Wag mo na balakin kasi hindi ako lalabas ng bahay."

"Kahit magpapakilala ako sa inyo na boyfriend mo ako?"

"Wow ha?! Napaka-gwapo mo naman at 2 ang girlfriend mo! Ano yan, isa sa umaga at isa sa hapon?!"

RING! RING! RING!

Tumatawag siya!

Oh my!

Batman, asan ka?!

I need you!!!!

What am I supposed to do?

What About Us?  [COMPLETE]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!