Baka hindi siya nito gusto para kay Sachi. O baka nag-aalala itong hindi na makapagtapos ng pag-aaral ang nobyo dahil sa kanya. Kung anu-anong negative thoughts na ang pumasok sa isip niya. Sisiguruhin naman niya rito na hindi siya magiging pabigat sa pag-aaral ni Sachi.

"Heto ang sabong mabango para hindi mangamoy-GG ang mga kamay mo," ani Sachi nang lapitan nito. 

Nasa lababo siya at parang lutang ang utak na naghuhugas ng kamay.

"Thanks."

"Ayos ka lang?" worried na ikinulong nito sa dalawang palad ang kanyang mukha.

"Yup."

"Nabusog ka ba?"

"Yup. Masarap pala ang isdang 'yon. Bili tayo sa susunod."

Napangiti ito sabay pisil sa kanyang baba. 

"Oo, bah. May baon ka bang toothbrush?" tanong pa nito. Nakapa-thoughtful nito sa bawat pangangailangan niya.

"I forgot."

"Sige, ibibili lang kita sa labas. Puwede na siguro 'yong mumu, tutal isang gamitan lang naman."

"Mumu?"

"Mumurahin."

Natawa siya. Mumu.

"Iwanan muna kita sandali, ha? Hindi naman nangangagat si Mama, kaunti lang," pabirong sabi nito sa pabulong na paraan.

Hahampasin niya sana ito ng kamay ngunit mabilis itong nakalayo. Kabado na nga siya, eh. Dinagdagan pa. Nang matapos maghugas ng kamay ay bumalik na siya sa kinauupuan niya kanina. Mukhang iyon ang nagsisilbing living room ng bahay. Na kung tatantiyahin ang espasyo ay wala pa iyon sa kalahati ng sitting room niya. Ilang hakbang lang iyon mula sa kusina at dining area. Pero kahit ganoon, kapansin-pansing malinis at mukhang masinop sa bahay ang mga nakatira. Ang lumang upholstered sofa ay tila pinaglipasan na ng ilang henerasyon ngunit mahusay ang pagkakatagpi kaya nagmukha iyong artistic design. 

Naroroon ang Mama ni Sachi at nanonood ng isang noontime show sa 21" na tv. Lumang modelo pa iyon at hindi tulad ng mga nauusong flat screen sa market.

"Heto ang dessert," inilabas ni Rialyn ang in-slice nitong pasalubong niyang cake at inabutan sila ng tig-isang serving ng ginang.

"Thank you."

"Kami ang dapat mag-thank you. Paborito ni Tita ang flavor nito--ube-macapuno."

"Si Sachi ang pumili ng flavor niyan."

"Ah, kaya."

Saglit na dumaan ang katahimikan habang kumakain sila ng cake. Nanonood sila ng tv. Si Rialyn ay panay ang tawa sa mabirong host ng palabas.

"Matagal na ba kayong mag-nobyo ni Sachi?" mayamaya ay kaswal na tanong ng Mama ni Sachi.

"Ahm, hindi pa naman po," hindi niya alam kung tamang sabihin na ng nagdaang gabi lamang niya ito sinagot o ito ang sumagot sa kanya.

Para kasing baliktad ang nangyari sa kanila. Siya ang naging very vocal sa pagsasabi ng kanyang nararamdaman. While Sachi remained hesitant about his own feelings until last night--until he learned about her pregnancy. 

"Ngayon lang siya may ipinakilalang babae sa amin."

"Pero maraming naghahabol," dugtong naman ni Ria.

"Ria," banayad na saway ng ginang sa pamangkin.

Parang batang napagalitan na kaagad napabalik sa tv ang tingin ni Rialyn. Kumain na lamang ito ng cake at nag-pokus sa panonood.

The Heiress and the ManwhoreWhere stories live. Discover now