Chapter 36: The Final Chapter

"You have to meet people where they are, and sometimes you have to leave them there."

***

Pinagmasdan ko ang bangay ng taong nag pahirap sa akin at sa mga kasamahan ko sa loob ng mahabang panahon. Tapos na. Alam kong tapos na ang lahat. Malaya na ako. Maari na akong bumalik sa Greven. Maari na akong bumalik sa Charm Academy. Babalik na ang lahat sa dati.

Naiyak ako sa naisip. Makakabalik na ako. Nag flashed sa isip ko ang mga bagay at taong maari ko ng makita ulit. A small smile made it's way into my lips habang pilit pinapahid ang mga luha ko. Sa wakas malaya na akong makabalik.

Pero lahat ng sayang naramdaman ko ay mabilis naglaho nang dumapo ang mga mata ko sa taong kaharap ni Miss Serena. Nabura ang ngiti ko at napalitan ng labis na pagkabigla. Halos manghina ako sa kinatatayuan ko nang makita siya.

"Jett."

Wala siyang malay at halos kalahati ng katawan niya ay puno ng dugo. Fresh blood trickled slowly down the side of his face. Ang iba ay namuo na sa sobrang tagal niyang nakikipaglaban. Punong puno siya ng sugat at ang mga braso niya ay halos mawalan ng balat. Unti unting tumulo ang mga luha ko nang makita ang kalagayan niya. Ngayon ko lang siya nakita na ganito kahina.

"Ariela." Boses yun ni Miss Serena. "Hwag kang magalala. Magiging okay din siya."

Pero nakita ko ang pag iwas niya ng tingin kay Jett nang sabihin yun. Para bang pakiramdam ko hindi siya nagsasabi ng totoo. Lumapit ako sa walang malay na katawan ni Jett at lumuhod sa harap niya.

"A-Anong nangyari?"

Bumuntong hininga si Miss Serena. "Kadarating lang din namin gaya mo Ariela. Nahuli kami ng dating."

I bit my lips to prevent myself from quivering. Natigilan ako nang biglang gumalaw si Jett. Lumapit ako at pilit inilayo ang buhok niya sa noo para makita ko ng maayos ang mukha niya.

"Davis."

Hindi niya magawang magmulat ng maayos dahil sa dugong dumadaan sa kaliwang mata niya. Halos wala na ding lumabas na boses sa bibig niya dahil sa hirap sa pagsasalita.

Pilit akong ngumiti. "Ako nga ito." But deep inside I'm caving in. "Jett nandito na ako."

A half smile made its way across his lips. Ginawa ko ang lahat para hindi lumuha sa harap niya. Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ko siya.

"Pasensya na nahuli kami ng dating." Huminga ako ng malalim para hindi niya mapansin ang nanginginig kong boses. "Pero nagawa niyo. Natalo niyo siya. Natalo niyo ang Headmaster."

Hindi siya sumagot. Nanatili lang siya sa ganung posisyon. Nakaharap ang mukha niya sa akin at pinagmamasdan ako. Nakangiti siya ng bahagya.

"Davis."

It broke my heart to see him like this. Para bang binalutan ng makapal na bakal ang puso ko at unti unti itong pinipiga. I saw Miss Serena glanced at Sir Chase worriedly. Lumapit si Sir Chase sa akin.

"Ariela kailangang mag pahinga ni Jett. Madaming nawalang energy sa kanya at—"

Natigilan siya nang tuluyang mapansin na nakatitig ako sa mga palad ni Jett. Mabilis niya akong hinila palayo sa kanya.

"Ariela mabuti pa bumalik ka muna kina Mrs. Hawkins." utos niya.

Pero hindi na ako nakikinig. Ano ang bagay na yun? Bakit— Bakit may itim na marka ang kumakalat mula sa palad ni Jett? Lumakas ang tibok ng puso ko nang lumingon kay Sir Chase.

Charm Academy: School of Magic (Published Under Cloak Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!