Chapter 3

956 32 0

Yaz's POV

Pagkatapos kong itago lahat ng Whiskey sa aking kwarto ay dumeretso na ako sa baba dala ang mga donuts at teddy bear na para kay Spaun

"Hey! Heto oh, I bought snacks!" Inilapag ko sa mesa ang mga donuts

"Wow! Anong meron, te?" Tanong ni Naih na dumudurol

"Ngayon ka pa? Eh palagi lang naman tayong pinakain d'yan sa ate mo! Tignan mo nga naman si BJ, nagmukha nang bola" Biro ni Migz at nag tawanan naman lahat

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Maxwell. Naalala ko yung kaninang nakita niya ang mga alak na binili ko.

Huli ka, Yaz... Danghag ka kasi!

"Oy Maxwell! halika! may binili si Ate!" Sigaw ni Naih

"Yeah, I know." Umupo naman si Maxwell sa isang couch at naki kain

"Baby, Spaun! Come here! Tita bought something for yooouuu!" Tinago ko ang bear sa likod ko. Naka ngiti namang tumakbo ang baby papunta sa'kin. Nakuha niya ang kaniyang mga ngiti kay Deib

"Hmmm... Kiss my cheek first" Pumikit ako at nilahad ang right cheek sa kaniya

Niyakap niya naman ako sa leeg at hinalikan ako sa cheek kaya pag mulat ko ay agad kong binigay sa kaniya ang bear "Here!"

Lumiwanag naman ang kaniyang mukha at namumula ang mga pisngi "Waaah! Teddy! Teddy!"

"Oy Tobi Tobi daw!" Biro naman ni BJ kaya nag tawanan kami

Ginulo ko ang buhok sa bata at pinisil ang mga pisngi "Ang cuuute cute mo talaga!" Humahalakhak naman ang bata

"Ate Yaz pwede ka nang magka anak" Biglang sabi ni Michiko

"Ay 'teh paano magka anak 'yan, boypren nga wala... Malay mo wala 'rin palang admirer 'yan" Biro ni Migz kaya binigyan ko siya ng masamang tingin

"Maka husga! Bakit?! May admirer ka ba?!" Tanong ni BJ sa kaniya

"Bakit? wala ba?! If I know, may gusto ka 'rin sa'kin BJ" tumawa naman kaming lahat maliban kay BJ na umaastang sumusuka

"Pero ate Yaz, wala ka ba talagang balak?" Tanong naman ni Michiko

Tinignan ko siya habang nag iisip kung anong isasagot, "Ummm... Hindi naman sa walang balak, wala lang talagang dumating hahaha!"

"Ay, 'teh! So mag hihintay ka lang? hindi ka mag hahanap?!" Tanong ni Migz

"Basically, parang ganoon na nga. Kesa naman sa maghahanap ako at pilitin ko ang sarili kahit hindi naman ako gusto nang tao"

"Psh. As if not." Bulong ni Maxwell ngunit dinig na dinig namin

"Bakit, Maxwell? Am I still chasing you? Assumerooo!"

"Did I say anything?"

"Wala pero sa way na pag sabi mo ay meron! wag kang mag alala, joke joke lang 'yon lahat noon!" Sabi ko habang nilalaro pa'rin si Spaun

Nawala ang bahagya niyang ngiti at bumalik sa pag kain

"Weh, joke-joke lang daw! Nag nursing ka nga para sa kaniya!" Singit ni Naih

"Hahaha, true that! but that's not the main reason why I took nursing. Gusto ko lang talagang makapag tapos ng nursing then babalik sa pag flight attendant since it can give a benefit to the career I want."

Nagulat silang tumingin sa'kin, si Naih naman ay ngumiti ng malaki

"OMG Ate! Babalik ka na?! Supporta ako d'yan!"

A Yazwell FanfictionRead this story for FREE!